Saturday, February 25, 2006

Proclamation 1017, Panunumbalik Ng Batas Militar!!!

ni Edgardo Bonzon

11:30 ng Feb 24, inihayag ng Pangulong Arroyo ang Proklamasyon 1017 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang magpadakip sa sinuman nang walang mandamyento ng hukuman, pagbabawal ng lahat ng asemblea ng mga mamamayan kasama na rito ang mga miting at rally at sistemetikong supresyon ng mga karapatan ng mga mamamayan na lumahok sa mga kolektibong pagkilos na laban sa kanyang rehimen.

Agad na ipinatupad ng pangulo ang nasasaad sa Proklamasyon sa pagbomba ng tubig ng mga bumbero,pag-teargas, pagpapadakip ng mga mamamayan, mga pari at relihiyoso na sumama sa isang multisektoral na rally sa EDSA habang sila ay magkahawak-kamay na lumalakad sa kalsada.Nauna nang dinakip sina Prof.Randy David ng U.P at isinunod ang mga progresibong kongresista tulad ni Rep.Crispin Beltran maging ang dating Hen. na si Montano.
Ang MIGRANTE PARTY LIST Italy Chapter ay mariing nagtatakwil sa pasistang pagkilos ng pekeng rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo na nagnanais na ibalik sa madilim na nakaraan ang bansang Pilipinas.

Bago pa man magdiklara si Arroyo ng State of Emergency ay patuloy nang naa-agnas at nabubulok ang kanyang rehimen dahil na rin sa kaliwat kanang krisis sa pulitika at ekonomiya na dilit walang iba ang mga mamamayan ang tunay na tinatamaan,patuloy ang pagtaas ng bilihin subalit nakapako parin ang sahod ng mga manggagawa.

Hindi rin matanggap ni Arroyo ang katotohanang hindi sya kinikilalang pangulo ng mga mamamayan dahil na rin sa nabukong pandaraya nya sa nakaraang eleksyong 2004 at sa mga sunod-sunod na mga trahedya na pinagbuwisan ng maraming buhay tulad ng nangyari sa ULTRA TRAGEDY na maliwanag pa sa sikat ng araw na KAHIRAPAN ang dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa Ultra na naging sanhi ng STAMPEDE,gayun din ang nangyari sa Guinsaugon sa Southern Leyte na kung saan nagkaroon ng Landslide at tinatayang nasa 2000 ang tinatayang biktima at ang pangunahing dahilan ng landslide ay ang pagiging KALBO ng kagubatan sa loob ng dalawang dekada.

At nadagdag pa ang pag-aalburuto ng mga junior officers na mga miyembro ng grupong MAGDALO bunga ng mga katiwalian sa loob mismo ng strukturang militar na kung saan ay nasasangkot ang mga heneral sa ibat-ibang anomalya at katiwalian na humantong sa pag-aaklas ng mga ito.

Kaya't sa pagdidiklara ni pangulong Arroyo ng State of Emergency ay SASALUBUNGIN natin ito ng mga dumadagundong na mga kilos protesta at mga Talakayang Bayan para isulong at protektahan ang interes ng SAMBAYANANG PILIPINO!!!!

TUTULAN ANG PROCLAMATION 1017!!!
MABUHAY ANG MGA MIGRANTENG PILIPINO!!!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!!!

____________________
Si Edgardo Bonzon ay radio announcer ng Bato-Bato sa Langit at representante ng Umangat-Migrante Partylist, Rome, Italy.

1 comment:

Anonymous said...

Nasaan ngayon ang sinasabi mong Martial Law. SNE was already lifted. Ang Presidente ay walang planong ibalik ang Martial Law. Ang mga nagsasabi lang ng ganyan ay ang mga leftist para siraan ang gobyerno. Baka nakakalimutan mo na kaya hinuli sila dahil nag-rally sila ng walang permit. Dahil hindi sila marunong sumunod sa batas. Sila lang ang gustong masunod. Alam na nilang binawal pero nagpatuloy pa rin sila dahil iyon ang plano nila at nang mga kasabwat na rebeldeng sundalo para pabagsakin si PGMA. Nararapat lang na hulihin sila. Gising na rin ang mga Pilipino kaya kahit si Madam Cory pa ang manawagan ay hindi na sila pinapansin ng mga tao. Dahil alam na ng tao ang mga tunay na kulay ng mga rallyista. Alam naman ng mga tao na ang mga sumasama sa rally kung hindi bayaran ay mga makakaliwa na hindi yata alam kung ano talaga ang kanilang pinaglalaban.

Kung nabubulok ang rehimeng ito hindi dahil kay PGMA kung hindi dahil sa mga makakaliwang grupo na ginagawa ng lahat para huwag mag-succeed ang pangulo na ma-i-angat ang ekonomiya ng Pilipinas dahil mas gusto nilang manatiling mahirap ang mga tao para ma-kontrol nila ito at para may dahilan sila na siraan ang gobyerno.

Reklamo sila ng reklamo about tax. Bakit ang rebelde ba nagbabayad ng tax? Sila pa nga ang nanghihingi ng revolutionary tax sa mga tao at mga negosyante. Na dahil sa takot ay napipilitang mag-bigay. Sigurado alam mo iyong mga balitang bino-bombang tower ng Globe. Sana bago tayo mag-salita against the government tingnan din muna natin ang grupong pinapanigan natin at baka mas masahol pa ang ginagawa kaysa kay PGMA.

You should read first about the result of the recount para malaman mong mali ang binabalita mo dito. Wala naman yatang na-upong presidente na naging maganda sa mga kaliwete.

Walang kasalanan ang gobyerno kahirapan sa stampede. Ang kawalan ng disiplina ng mga tao ang dahilan kung bakit nagkaroon ng stampede. Si PGMA rin ba ang kumalbo sa kagubatan ng Ginsaugon? Baka mamaya pati pag-putok ng Mayon isisi rin ninyo kay PGMA kasi active ngayon ang Mayon. Habang si PGMA ay busy sa pagtulong sa mga biktima anong ginagawa ng mga leftist at rightist? Hayun busy sa kapa-plano kung paano patalsikin si PGMA.

We the majority of the Filipinos supported the Proclamation 1017 because we believed that there is really a threat. We have been waiting for this for a long time, because we are already fed up with the rallyists who are pretending to be our savior. Rallyist who are asking for justice and democracy but in reality are the once who were trying to rob us of our freedom and democracy.


We also want to get rid of those tong collectors in our province. Iyon ang gusto ng mga tao na maalis hindi si PGMA. Baka puwedeng isigaw ninyo sa rally ninyo ang mga ginagawa ng mga rebelde sa kanayunan. Sigurado marami ang magpapa-salamat sa inyo. Baka puwedeng sila ang sabihan ninyong umalis kasi pabigat sila sa mga tao. We want peace in the provinces and not threat. Kung tunay kayong maka-mahirap at gusto ninyong umunlad ang Pilipinas., Please lang tigilan na ninyo ang rally. Maawa na kayo sa amin.