ni Angel Sy
Katulad ng palaka na nasa kawali, unti unti na namin nararamdaman ang init ng E-VAT.
Kanina lamang sa pagkaubos ng amin LPG lubha akong nagulantang na kinakailangan ko ng magbayad ng mahigit limangdaan piso para sa isang 11-kilo cylinder ng LPG, dahil daw sa E-VAT at sa patuloy na pagtaas ng LPG sa pangdaigdigan merkado.
Umaayaw ang puso at isip ko pero ano ang aking magagawa, kung di magpatangay sa agos ng E-VAT.
Kaya aking naihahalintulad sa PALAKA na unti unting pinakukuluan sa KAWALI ang PILIPINO.
Kasi nga naman kapag ang palaka ay inilagay mo sa kumukulong TUBIG ito ay tatalon at tatakas, ngunit kapag inilagay mo siya sa tubig na malamig na unti unting kumukulo siya ay hindi tatalon hihiga pa siya at masisiyahan sa warm bath na lubhang nakaka relax.... magugulat na lamang siya na sa huli siya ay nilagang palaka na pala, paralisado at bilang na ang oras... masaklap na kapalaran na lubhang nakakabahala dahil yan mismo ang senaryo na nakikita ko sa ngayon sa mahal kong Pilipinas, pero sana nga ay mali ako.... kayo na ang humusga...
Ang presyo ng diesel ay dalawang beses na nag roll back... mas mababa ngayon ang presyo kumpara noon wala pa aniya ang E-VAT, at ang Piso ay 54.45 na lamang dahil din daw ito sa E-VAT, o di ba naman sales talk na sales talk pa lang e mapapabilib ka na. Gumaganda na daw ang ekonomiya at 5% na lamang ang walang trabaho, kaya pala halos makulili na ako sa katatawag sa aking ng kaibigan ko nung college sa kakakulit na tulungan ko siya na makahanap ng trabaho at nadudurog din ang puso ko sa kwento ng aking isang kakilalang tindera na siyang inaasahan ng pamilya dahil walang trabahong makuha ang kanyang ama at ina. Hwag nang isama ang sampu ng aking kakilala na may iba't ibang kwento tungkol sa paghahanap ng trabaho sa Pilipinas ngayon.
Lokohin nila ang lelang nilang panot, bababaan kunyari para di magsilakbo ang damdamin ng Pinoy dahil sa E-VAT... hindi naman makapag bigay ng trabaho sa Pilipinong nagugutom at lalong magugutom dahil sa pesteng E-VAT.
4 comments:
hi guys/gals
ok lang naman siguro na may VAT increase basta tataas din ang kalidad ng basic services sa publiko. i've seen some reactions here to the effect na hindi man lang kinonsulta ang mga tao. well, the government doesn't have to consult the people for every decision it makes. during elections we delegate to them the power of deciding for us. and now, as our duly elected representative, the government's decisions are necessarily OUR decisions, whether we agree with such decisions or not.
i guess it is our duty to pay for the cost of living in this society.
vat? increase 2%? a big no . . .
it does not mean na ayaw ko tumulong at magsacrifice para sa atin mahal na bayan. gusto ko lang ang pagtataas ay reasonable. we noticed that our government ay naggagasto ng pera ng bayan sa walang kwenta bagay. let our leaders do the first step. . . magtitipid ! ! ! also, collect the present taxes efficiently at pag hindi pa enough, thats the time to have an increase.
why everytime na we face financial crises, the only solution (as our good leaders recommend) is INCREASE THE TAX.
i guess it is our duty to pay for the cost of living in this society.
We’ve been burned by our officials and our politicians so much that to be skeptical of them is nothing but NORMAL. However, the country is ours and like your own home, it is your duty to rebuild it-wash it when it is muddy. Clean it when it’s dirty. You don’t give up because the consequences of a dirty house to live like a pig.
Most of us always focus on the negative effect of VAT/ E-VAT or anything that the government imposed on us pero hindi ang pangkalahatang positibong epekto o magagawa nito sa sambayanan o sa bansa. We always forget that as a citizen we also have our obligations. Maybe instead of thinking negatively we should rather focus on how it can help the government. Majority of the Filipinos has gotten used to not paying taxes and some people pay but not accurately. Only few percent really pay honestly. Leftists are always ready with anything negative to complain whenever the government makes a move to keep our country able to stand up against any impending problem. They are always ready to jump to the street and shout. Instead of teaching the people to be responsible it is the other way around that they are doing. If we want our country to move on we should help our leaders in anyway we can; one is by paying our taxes regularly and accurately. I wonder if those shouting leftists are paying their taxes religiously. They are shouting on the street against E-VAT in which the people will also benefit in the end but they never complain of the revolutionary tax, which their armed groups forcefully imposed on the businessmen, government projects and the poor people in the countryside. A kind of tax that people would not benefit but only their groups. If only all Filipinos would be honest in paying their taxes and learn respect the law and the leftists & rightists would stop their armed struggle and power grab our economy would be better soon. Maybe instead of them rallying on the street against E-VAT they should rally against those who are cheating or not paying their taxes. Help the government to apprehend those jeepneys, tricycles and buses drivers/operators who were not paying the necessary taxes and licenses, business establishments that illegally operating and ask for the stop of the rev tax/tong collection. If we can pay our taxes in other countries honestly, why not in our own country where our fellow countrymen will benefit from it?
Ano bang naibigay na trabaho ng mga sumisigaw diyan sa kalsada sa mga mahihirap? Tinuturuan lang nila ang mga tao maging tamad at iresponsable at ng kawalang respeto. Iyong mga mahihirap at negosyante sa Pilipinas na kinu-kotongan ng mga rebeldeng maka-kaliwa ay masahol pa ang kalagayan kaysa nararamdaman mo dahil gustuhin man nilang tumalon ay wala silang layang gawin iyon. Ang puso nila ay nababalot ng takot.
LPG’s price has decreased, ang halaga ng peso ay tumataas din pero sa halip na tulungan ang pamahalaan para lalong maging mabilis ang pag-angat natin ano ang ginagawa ng mga leftists at rightists? Pinipilit tayong hilahin pababa. Hindi lang Pilipinas ang may problema sa un-employment kahit ilan sa mga ang maunlad na bansa. Kung ipagpa-patuloy natin ang panggugulo sa bansa matatakot ang mga foreign investors na maglagay ng kapital sa ating bansa na magbibigay sana ng trabaho sa marami nating kababayan na naghahanap ng mapapasukan.
Ang problema ng bansa ay hindi lang kasalanan ng namumuno kung hindi kasalanan ng lahat ng mga Pilipino. Ang ika-u-unlad ng ating bansa ay hindi lang naka-depende sa pinuno kung hindi sa mamayang Pilipino. Ang klase ng nakararaming mga pinuno na meron tayo ay nagpapa-kita kung anong klaseng botante ang mga nakararaming Pilipino.
Ang E-VAT/VAT ay legal at beneficial sa mamamayan pero ang revolutionary tax/tong collection ay illegal at sapilitan at walang benefit na nakukuha ang tao pero bakit hindi nagri-reklamo ang mga maingay na maka-kaliwa na siya ring gumagawa nito? Anong puso mayroon ang mga namumuno ng rally o mga rallyistang ito? Nag-I-ingay ba sila para pagtakpan ang kanilang mga kasalanan?
Tuwing may mai-balitang improvement ang pamahalaan sigurado pilit papasinungalingan ng kaliwa; dahil ba sa ayaw talaga nilang umangat ang ekonomiya. para lalong masira ang pamahalaan sa mata ng mamamayan para sila ang maka-puwesto? Lalo tayong magiging kawawa kapag nagkataon sila ang naka-puwesto. Hindi natin maasahang maso-solusyonan ang problema ng bansa sa isang gabi o isang buwan o isang taon lang, lalo na sa kaso ng ating bansa na maraming grupo ang gustong mamuno. Kailangan nating imulat ang ating mga mata sa lahat na ginagawa ng nasa pamahalaan, maka-kaliwa at maka-kanan, matuto tayong sumunod sa batas, at sikaping huwag mawala ang disiplina sa sarili.
Bakit nga ba maraming naghihirap na pinoy? Dahil maraming tamad, maraming walang trabaho pero anak nang anak at kapag na-gutom isisisi sa pamahalaan. Maraming pinoy ang kapag may naka-abroad ang isa sa pamilya, di na nagsisipag-trabaho, asa na lang nang asa at walang pakundangan kung gumastos walang paki-alam sa kung anong hirap ang pinagdadaanan ng kanilyang kapamilya. Maraming magulang ang mag-a-anak then uutusan ang mga ito para mamalimos sa halip na sila ang magsumikap para sa kanilang anak. Maraming leaders ng mga rallyista ang sumisigaw ng karapatan daw para sa mga bata at ka-babae-han pero sila ang nag-dadala ng mga babaeng may bitbit na maliliit na anak para mag-rally sa napa-kainit na araw. Iyong anak ng ilang rebelde sa halip na sa school nasaan? Nasa kabundukan. Nasaan ang pagalang sa karapatan ng kabataan iyan? Bago natin sisihin ang iba tingnan muna natin kung nagawa ba natin ang ating tungkulin sa ating pamilya. Maraming nagsisigaw na politiko na sila raw ay dinaya pero gawain din nila. Kung gusto nating ipag-laban ang karapatan ng ating mahirap na kababayan at naaapi bakit di natin idaan sa tahimik at legal na paraan? If we want change, let’s begin with our selves. Let’s pay our taxes honestly and always think positively. Huwag iyong “kukupitin lang o gagastusin sa walang katuturan ng mga nasa pamahalaan”at kapag bumili tayo huwag nating kalimutang humingi ng official receipt para ang mga negosyante ay magsipag-bayad din ng tamang taxes. Huwag din tayong bumili ng mga smuggled goods kahit na mas mura ang mga ito. Huwag tayong sumakay sa mga kulorum na sasakyan at huwag na rin tayong mag-rally sa mga lugar na dinadaanan ng mga sasakyan para hindi natin nasisira ang araw ng mga nagsusumikap nating mga kababayan. Sa sunod na eleksiyon sana maging responsible na rin ang lahat sa pag-boto at kung kung may mamili ng boto ay isumbong natin at huwag I-boto. Kasi base sa nakita ko from the time of Marcos up to the present both administration and opposition candidates were buying votes. Hindi ba mas maganda kung ang itatanim sa puso ng tao ay pagmamahal at malasakit sa bayan sa halip na galit at kawalang respeto sa pamahalaan at sa batas? Sa halip na hanapin ang kahinaan para doon atakehin, tingnan natin kung saan ang kahinaan at tingnan natin kung paano tayo makakatulong para mapa-unlad at hindi sa kung paano mapa-bagsak ng pamahalaan. Hindi natin kailangan maging mayaman para maka-tulong. Lahat tayo may magagawa, mahirap man o mayaman.
Nothing is Impossible with God. We should always pray for Him to guide our leaders.
Post a Comment