KATIWALIAN SA NAIA SA PILIPINAS ISISIWALAT!
ni Jocelyn Ruiz
Nang umuwi ako ng Pilipinas nakita ko lahat ang sitwasyon at ng ako ay magbalik lalo akong nag init sa pagsusulat kaya gusto ko ng isiwalat ang mga katiwaliang nagaganap na aking naranasan at nakita ng dalawa kong mga mata.
Bumalik ako dito sa Italya ng Perbrero 5, 2005. Nagcheck-in ako sa airport bandang ika-5:00 ng hapon kahit alam ko na ang flight ko ay 8:30 pa ng gabi. Pinilit kong maging maaga upang malaman at makita din talaga ang sitwasyon doon sa Ninoy International Airport. Cathay Pacific ang aking sasakyan na eroplano noong mga panahong iyon na ang dapat daw ang timbang ng aking gamit ay hindi lalabis sa 32 kilo ang bagahe at nasa 7 kilo ang hand carry. Sa hindi sinasadya ang aking bagahe ay lumabis sa nasabing kilo kaya nagrepack ako o nagbawas ng nasabing kilo na inilabis ng aking bagahe.
Mainit at simangot ako dahil alam ko na hindi ganoon kadali ang magrepack at maiiwan ko ang ibang padala na ipinadala sa akin ng aking mga kamg-anak. Binayaran ko ang terminal fee at travel tax dahil hindi ako nagbayad ng OWWA dahil pitisyon ako. Bago ipasok ang mga bagahe ko uli may nakita ako na isang lalake na nagtimbang din ng kanyang bagahe at labis din ito ng ilang kilo, nakita ko na may iniabot na sobre ang nasasacheck-in area at doon nilagyan ng nasabing lalake ang sobre ng pera ng patago at iniabot din ng patago at kinuha ng patago. Nang ibigay ng lalake ang sobre walang atubili na nakapasok ang kanyang bagahe.
Hindi ko ito pinansin at ng nasa palapit na ako ng checking of the baggage na idadaan sa machine ay may mga trabahador sa airport na tutulong daw na buhatin ang mga bagahe ko sa pag-aakala ko na pagtulong talaga ang gusto niya at kusang-loob at dahil nakita ko na talagang trabahador siya doon at iyon ang trabaho niya kaya nagpaubaya naman ako. Hanggang sa makarating kami sa check-in ng aking nirepack na gamit ay hindi rin siya umalis hanggang sa maipasok ko na at ng kukunin ko na ang aking hand carry papasok sa immigration ay hindi pa niya ito ibinigay dahil siya pala ay nag-aantay din ng bayad kahit binabayaran na siya ng NAIA sa kanyang pagtatrabaho doon. Wala akong nagawa kundi ang magtaka at masabi sa sarili ko na talagang naghihirap na ang mga tao kaya kahit ganun ay gagawin makakuha lang pera.
Hindi ko na lang pinansin uli iyon kahit naiinis ako dahil sa mahaba ang pila at marami ang nagrepack na tulad ko. Nang papasok naman ako sa immigration muling tinimbang ang aking hand carry at sinabi ng lalake na naroroon na labis daw ang aking hand carry. Sinagot ko na ang lalake at halos magdikit ang kilay ko dahil natimbang na sa check-in ay titimbangin pa uli at ok na dun tapos hindi na naman. Hanggang sa sabihin ng lalaki na bayaran ko daw ang labis na timbang o kaya magrepack uli ako.
Ang sabi ko ngayon ay ganito: Aba! Bakit ako magrerepack ok na sa check-in ang mga dala ko tapos pagrerecpakin mo pa ako uli eh kanina nakarepack na ako. Wala akong pera na ibabayad kaya nga binawasan ko na ang dala ko. Ang pera ko na lang ay pambayad sa terminal fee." At ito ang sabi niya sa akin: "Talaga bang wala ka ng pera!" Ang sagot ko: "Wala na nga kaya papasukin mo na ako!" Ang sagot sa akin: "Naku ako ho ang mananagot dahil labis ang handcarry ninyo". Ang sagot ko:"Ok na nga iyan dahil tinimbang na iyan doon sa check-in" Hanggang sa nakapasok ako.
Sa boarding area naman nakakilala ako ng isang Pilipina na nagbayad daw siya para lamang makalusot ang kanyang bagahe na ang pera na ibinayad daw niya ibunubulsa na rin. May isa pang Pilipina na nag-iskandalo at nakikipag-away dahilan sa mali daw ang timbangan dahil natimbang daw nila sa kanila tapos pagdating doon ay labis anung klase daw na timbangan iyon. Ilan lang ito sa mga anumalyang nagaganap sa NAIA. Kaya mga kababayan kong mga OFW mag-iingat po kayo pag umuwi kayo at bumalik dito sa abroad dahil marami tayong mga kababayan doon sa Pilipinas ang nais ay mamemera dahil sa kahirapan ng buhay. Maraming katiwalian ang nagaganap at nagpapakita na ang tao ay nabubuhay ng dahil lamang sa pera. Isa po itong paaalala dahil ito po ay tunay kong naranasan.
2 comments:
jocelyn,
i am on ur side regarding some anomalies and irregularities in NAIA. wat u experienced is just a little one compared to my experiences everytime i go home to pinas. it's ok to give some to these little people because they are underpaid and as long as they will assist me in the airport. but the worst one is the custome officers themselves are greed and hungry of green money. everytime i gave them my custom declaration filled out form, inserted inside my passport, they will get the form and still opening all the pages of my passport as if they are looking for something interesting, you know what i mean? Philippines is a beautiful country, full of natural resources, i am proud of being a pinoy. but because of the corrupt system of the government, the poor ones suffer that much. i pity our kababayans. now our country has no room for growth and development.
nangyari din iyan sa akin nitong january siningil ako ng 13t kaya nagbawas ako ng bagahe. pagkatpos nun ayaw pa rin nila ako papsukin....well wala na akong maisip gawin kundi umiyak ng umiyak hehe i used what i learned in my acting workshop...ayun pinapasok ako kahit overbagage ako. lang hiyang mga nagtratrabaho sa NAIA iisahan pa ako. haha. siguro hanggang ngyon ganon pa rin ang sitwasyon sa NAIA .. nakakainis ... pag nagyabang ka lalo ka nilang papahirapan . . .kung lalaban ka sa tamang paraan at alam mo ang rules talaga sa NAIA i dedelay ka naman nila.. abah saan ka na lulugar kung ganun sila doon...kawa yung mga alam nilang maloloko nila ... silang nag tratrabaho sa NAIA na nangungurakot ay kuntento pakainin ang pamilya nila sa nakaw na paraan hayyyy... kahit ba my blog na ganito nagigising ba sila ??? na aactionan ba? oo kung nababasa ng mga nangungurakot ang blog na ito ay tumatawang parang demonyo ... Only in the philipines...sigh
Post a Comment