KARAPATANG PANTAO: OWWA may pakinabang ka ba?
ni Jocelyn Ruiz
Labingtatlong(13) taon ang nanay ko na nagtrabaho dito sa abroad. Noong una nagTNT siya at nang maglaon ay dinirect hire siya ng kanyang amo. Nakuha niya ang kanyang apat na kapatid sa dahilang abogada ang kanyang amo. Hindi naglaon pati kaming magkapatid ay napetisyon na rin niya.Tapos na ako noon ng kolehiyo kaya hindi na rin ako nagdalawang-isip na mag-abroad.
Nadatnan na naming magkapatid na maysakit na pala ang aming ina dito sa abroad. Hindi kami nag-atubili na pauwiin na siya agad sa Pilipinas upang magpagamot at magpagaling. Nagpagamot siya sa Pilipinas at nagkaroon siya ng siyam (9) na doktor at espesyalista. Ang tingin ng mga doktor ay iisa lahat na nagkaroon siya ng "Pulmonary Bronchitis" na nakuha daw dito sa abroad kaya malimit siyang atakihin ng ubo. Nagdaan siya sa maraming test at check-up sa loob at labas ng kanyang katawan. Negative ang mga naging results ng kanyang test bukod sa may nakitang mga plema na nakadikit sa kanyang ugat. Tumigil siya sa ospital ng ilang araw upang higupin ang mga plema na nakadikit sa kanyang mga ugat. Naging matagumpay ang operasyon.Gumagaling siya pero aatakihin uli ng ubo.
Tuloy-tuloy ang kanyang gamutan at umasa kami na siya ay gagaling hanggang sa makita na nanghihina ang mga cells sa kanyang katawan. Hindi naglaon ay dinadala pa rin siya sa ospital at nitong huli ay iniuwi siya na nakaoxygen sa aming bahay sa dahilang hirap siya sa paghinga. Hindi kami nawalan ng pag-asa dahil malakas ang loob niya at patuloy naming ipinaglalaban na siya ay gagaling. Malupit pa rin ang tadhana dahil noong December 14, 2004 ay binawian siya ng buhay.
Masakit mang tanggapin pero wala kaming nagawa. Ang aming ina na naging dakilang manggagawa, mapagmahal na anak at asawa, mapag-aruga na ina, matulungin na kapatid, tapat na lingkod ng Diyos at bayani sa pagiging OFW. Hindi dito natapos ang aming istorya dahil umuwi kaming magkapatid sa Pilipinas upang iaayos ang burol at libing ng aming ina. Pagkatapos ng 9 na araw hindi rin kami nag-aksaya ng panahon dahil inayos namin ang kanyang SSS at OWWA. Lumuwas kami ng Maynila at kinausap ang mga empleayado ng Social Benefits Area sa OWWA. Maayos ang aming pakikipag-usap subalit isang malungkot na inpormasyon ang bumakas sa aming mukha dahil "WALA DAW KAMING MAKUKUHANG PERA DAHIL EXPIRED NA RAW ANG OWWA NG INAY AT DAHIL NA RIN DAW SA OMNIBUS POLICY!
Wala kaming nagawa kundi ang matigilan.Hindi namin sukat akalain na ganito pala ang Omnibus Policy na iyan. Dati may ibinibigay na P15,000-20,000 pesos para sa burial dahil sa pagpasok ng Omnibus Policy na iyan ay wala na daw ngayon! Kaya ito naman po ang tanong ko sa inyo at nais ipabatid?
a.) OWWA at Philippine Embassy wag po sana ninyong kalimutan na kayo po ay may responsibilidad na magbigay ng inpormasyon. Kulang kayo sa "information dissimination". Sana naman ipaalam sa taong bayan kaya nga po kayo ay naririyan di ba?!
b.) Sa Board of trustees na gumagawa ng batas."OO" tama na kayo ay gumawa ng batas siguraduhin ninyo lang na hindi mananakawan ang KABAN NG BAYAN. Tandaan ang lahat ng GINAGAWA NATIN DITO SA LUPA MAY DIYOS NA HAHATOL LALO NA SA "PAGNANAKAW" NA NASA SAMPUNG UTOS NG DIYOS maaaring hindi ngayon pero BUKAS!
c.) OFW po kami na nagdadala ng pera sa ating bansa at nagbabayad sa inyo. Kung kami po ay tunay na BAYANI sana mas lalot higit PAGPATAY NA RIN KAMI.NAGBABAYAD PO KAMI SA OWWA SA AYAW AT GUSTO NAMIN DAHIL IYAN PO AY BATAS PERO SANA MAY MAKUHA DIN NAMAN PO KAMING PAKINABANG!
d.) PILIPINAS! Demokratikong Bansa. Ibig sabihin may karapatan ang tao na mapakinggan at makapagsalita. Sana na naman TAMA NA ANG PAGBUBULAG-BULAGAN AT PAGBINGI-BINGIHAN!
e.) EXPIRED? Anu po kaya sa tingin ninyo ang magagawa ng taong maysakit o patay na para ayusin pa ang pinaaayos? Tanong ko lang po paano kaya mairerenew ang OWWA kung maysakit ang tao at papatay na? Maiisip pa po kaya ang EXPIRATION O ANG BUHAY NG TAO? PAKIPILI LANG PO NG SAGOT: A or B? Kaya OWWA GAME KA NA BA?
f.) OMNIBUS POLICY! " MAY MAKAKALIMOT BA KAY JOCELYN RUIZ, JESSIE RAMIREZ, AT EGAY BONZON ng Ito ang Pinoy?Natatandaan ninyo po ba kung ilang beses namin kayong inimbitahan sa aming istasyon sa TV para aming mainterview at ipaalam sa bayan na may mga inpormasyon na dapat silang malaman tulad na rin ng OMNIBUS POLICY! Kaya tuloy ang mga nagpoprotestang MIGRANTE na lang po ang aming nainterview dahil sabi ninyo po lagi ay BUSY KAYO! Kaya ito po ang tanong ko ARE YOU IN OR OUT?
g.) INSURANCE IS INSURANCE! Tama po kayo NATURAL DEATH PO IYONG NANAY KO!
h.) Responsibility! OO responsibilidad naming malaman ang mga inpormasyon pero kayo po ang mas at may UNANG RESPONSIBILIDAD NA MAGPAALAM NG MGA INPORMASYON dahil kayo po ang nasa pwesto.Katulad po ng DIYOS ibinigay ang kanyang BUGTONG NA ANAK para ipaalam sa tao NA TUTUBUSIN NIYA TAYO SA KASALANAN!Katulad po ninyo dapat ganun din kayo magbigay ng inpormasyon para po malaman ng OFW di po ba?
i.) Paghihirap! Oo, naghihirap na po ang bansa! Bakit kami po ba Hindi naghihirap?Anu po sa tingin ninyo? Dugo at pawis po ang aming puhunan. Luhod at samba po sa INIDORO! Ilan lang ito marahil sa sagot namin sa mga gumagalaw sa OWWA at sa sumasakop sa suliranin ng kakulangan ng inpormasyon. Gusto po namin kayong gisingin.
Hindi na po pera lang ang pinag uusapan dito kundi ang pakinabang! Hindi po ito panlilibak pero ito po ay katotohanan lamang at ayaw ko na pong marami pang tao ANG MAGING BULAG SA KATOTOHANAN. Wala pong masama sa pagtatanong di ba? Kaya kayo mga kababayan kong OFW wag sana kayong mapatulad sa amin. Alamin po ninyo ang expiration ng inyong OWWA.....oooopppppppsssss!!!
Teka, teka, nais ko na rin pong ipaalam sa inyo na ingat din po kayo sa pagbabayad kasi sa Pilipinas po maraming pending na pera ang hindi naibibigay hanggang ngayon sa mga taong namatayan o nais kumuha ng benepisyo sa OWWA dahil kami po mismo ay nagpunta doon, kinausap sila at ipinakita pa nila ang list of pendings. Sana wala ng maduming pamumulitika, pang-aabuso sa pera, pagnanakaw sa kaban ng yaman, panloloko na walang katapusan, paglalamangan, tulog na katarungan at ingitang di na mapigilan. Sanay gumising ang dapat magising at tamaan ng bato ang mga gumagawa ng masama.
TAONG 2005 PAGBABAGO LANG PO!!!!!!!!
3 comments:
YOU ARE A GREAT WRITER IT SHOULD BE PUBLISH ALSO IN THE PHILIPPINES!
DAPAT LANG ANG GINAWA MO THEY SUPPOSE TO KNOW WHAT IS GOING ON OR THEY HAVE TO FOLLOW/!
MGA DIPLOMATS WALA IYAN THEY DI NOTHING
Tama ka! kaawa awa naman ang mga ofw na di napapakinabangan ang mga benefits na dapat makuha samantalang bago makaalis ng bansa ay obligadong maging myembro at magbayad sa owwa!sila lang ang nakikinabang parang pangingikil na rin ang tawag duon sapagkat nagbabayad ka sa wala!pumunta kame sa owwa para mag file ng loan dahil isa yun sa kanilang programa ngunit walang pondo!san napupunta ang perang binabayad ng bawat OFW na pumupunta sa ibang bansa kada araw?may PDOS nga para sa impormasion pero binabayaran yun ng mga OFW bago makaalis bukod sa OWWA membership!asan ang mga yan?san napupunta ang pera ng bawat pilipinong manggagawa?gumising kayo!mga kinauukulang naka puwesto sa OWWA!2006 sana nga may pag babago na!
Post a Comment