Wednesday, June 22, 2005

Euro VS Dollar Conversion Nagpapataasan Ng Value o Rating? OFWs ang Tinangbangan!

ni Jocelyn Ruiz
jocelynruiz3333@yahoo.com

Ang mga Migranteng Pilipino o OFWs dito sa Roma ay patuloy na nakikipag-ugnayan at sumusunod sa patakarang inilulunsad ng Philippine Embassy. Ang mga patakaran at tungkulin na dapat bayaran, responsibilidad na dapat sundin, mga maraming bagay at dokumento na hinihingi para maiayos ang mga pangangailangan na gagamitin sa pinaglalaanan. Naging sunud-sunuran ang maraming mga Pilipino at halos walang magawa kundi ang sumunod upang maiayos ang kanilang mga dokumento.

Marami din naman ang nagrereklamo dahil sa kung minsan ay mabagal ang proseso, mahaba ang pila, maraming bagay ang hinihingi sayo. Katulad na lang ng isang matapang nating kababayan na si Mr. Romy Sandoval na nakaranas ng pagtataray ng isa sa mga empleyado sa embassy, ay hindi niya pinalampas ang ganitong karanasan kaya naisulat niya ang isang artikulo sa dyaryong "Ako ay Pilipino" na pinamagatang "Philippine Embassy and Me" na naipublish ng sariling Editor nito na si Annaliza Bueno Magsino noong isang taon. Sa pagkakalathala nito ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa serbisyong ginagawa ng Embassy at nagbigay daan upang mas maging maayos ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan nila sa ating mga Pilipino.

Kung wala po kasing ganitong mangyayari walang magigising at hindi maitatama ang bagay na mali kaya ang karanasan po ay isang magandang daan sa pagsisimula ng pagbabago tulad ng bayaning OFW na tulad na si Romy.Bago po malayo ang artikulong ito, ako po ay magpapatuloy. Isang malaking usapin at isyu ang kapuna-puna sa patakaran at serbisyong ginagawa ng Philippine Embassy tungkol sa bayaran na binabayaran ng ating mga kababayang Pilipino dito sa Roma o marahil ay sa buong Europa na nakakasahod ng EURO.

Nakapanayam ko po si Wheng Flores ng Migrante Party List na isa din sa nakapuna sa bayaran tungkol sa PAG RERENEW NG PASSPORT AT OWWA MEMBERSHIP FEE. Hindi naman po lingid sa ating lahat na mas mataas ang value ng EURO kaysa sa DOLLARS: TAMA PO BA? ANU PO SA TINGIN NINYO? Alam ko po na tayo ay matalino kaya ang isasagot ninyo ay totoong mas mataas siyempre ang EURO katulad ng ating makikita sa palitan, sa bawat sulok ng bangko, sa mga TV kahit pa italian Language iyan o kahit anung language sigurado po ako na EURO, at sa mga lugar na kung saan pwedeng magpapalit ng foreign money. Ito po ang isyu ngayon at isa na namang malaking tanong para sa ating lahat.

Ang pagiging member po ng OWWA na makikita po ninyo ang mga inpormasyon at detalye sa kanilang website na www.owwa.gov.ph, kapag po binuksan ninyo ito pumunta po kayo sa ABOUT OWWA doon po ninyo makikita na ang membership fee po ay US$25.00 malinaw na malinaw po na nakasaad. Samantala ang binabayaran po nating mga Pilipino sa Europa ay 32.50 EURO. Ang pagrerenew naman po ng passport ay US$50.00 na ang binabayaran po natin ay 65 euro. Ito ang 2 serbisyo na malaking katanungan kung bakit mas mahal ang pagbabayad ng euro kaysa sa dollars samantalang mas mahal naman ang value ng euro kaysa sa dollars.

Kung bubuksan po din ninyo ang information about sa website ng owwa dito sa roma ay wala po silang information at e-mail address lang po ang makikita, ang ibig sabihin po ang inpormasyon tungkol sa owwa ay nagpapatunay lamang na iisa silang lahat na sumasakop at sumunod sa PATAKARAN NG GOBYERNO NG PILIPINAS na makikita sa iisang website na owwa.gov.ph na wala pong nagsasaad na 32.50 euro ang dapat bayaran ng pilipinong na andito sa europa KUNDI ANG SALITANG US25$ ANG PAGIGING MIYEMBRO ang nakasaad sa website.

Ang tanong ko lang po bakit hindi inilagay sa website para hindi ito maging katanungan at bakit mas malaki ang halaga ng pinabayaran ng EURO sa katotohanang mas mataas ito kaysa sa dolyar. Ganun din po sa pagrerenew ng passport na 50US$ na nagbabayad tayo ng 65 Euro. Hanggang kailangan po itong maling conversion na ito magtatagal? Ilang pa pong mga tao o OFWs ang magbabayad ng ganito? Kailan po kami maliliwanagan? Sa isang araw ilan ang nagbabayad ng maling conversion na ipinagwawalang-bahala? Kung ito ay icoconvert ng maayos mas maliit sa 25 euro ang babayaran ng isang OFWs na sumusuweldo ng euro sa pagiging member ng OWWA at mas maliit sa 65 euro ang pagrerenew sa passport depende po sa palitan.

Isang patunay din ang binitiwan ng ating Presidente na si Gloria Macapagal Arroyo ng minsan siyang pumunta dito sa Roma noong nakaraang taon at tandang-tanda ko po na naulan po noon, at doon niya binitawan din sa kanyang mga labi ang 50US$ na iyon tungkol sa pagrerenew ng passport na itinanong sa kanya ni Vic Veschocio Jr. na dati ring announcer dito sa Roma sa Sas Ito ang Pinoy alam ko po na alam din iyan ng Embassy. Kung ikakatwiran po sa atin na ang pagpapalit po ng euro sa dolyar ay kanila pang ginagawa dahil siguro po talagang mas international money ang dollars ito po ay walang kinalaman dahil kahit po pumunta tayo o dumirekta sa mga foreign exchange ito naman po ay walang bayad at libre.

Hindi naman po masama kung mas malaki ang dapat bayaran subalit bigyan naman po ninyo ng kasagutan kung anu ang inyong motibo at dahilan ng hindi maging kaduda-duda ang mga bagay na ito. Ito din po ay malaking tulong para sa inyo upang hindi kayo matanong ng maraming tao pa sa susunod na henerasyon, magiging daan din ng pagtatagal ninyo sa panunungkulan at makikita ang pagpapahalaga ninyo sa mga bagong bayaning tinatawag.

Kaya mga kababayan kong Pilipino mas maganda po na magbayad na lang tayo ng Dollars sa pagrerenew ng passport at sa pagiging member ng OWWA ng mas makabayad po tayo ng sapat at tama. Ang pagpapalit naman po ng euro sa dolyar ay kabi-kabila dito sa Roma kaya mas maganda po kung ganoon ang ating gagawin. Mabuti ang sumusunod sa batas o patakaran pero mas mainam ang maging matalino na gumamait ng mabuting paraan upang walang manlinlang at magpalinlang, walang manloko at magpaloko, walang mang-abuso at magpaabuso. Makikita ang pag-unlad at paglago sa ating sarili mga kababayan kong Pilipino kung tayo ay di papayag sa mga maling patakaran at serbisyo. Hindi tayo tumutuglisa pero MAS MATUTULUNGAN NATIN SILA KUNG SILA AY ATING GIGISING AT HINDI HAHAYAAN NA LAMANG. Sa bawat yugto ng buhay ang kailangan ay isang patas na labanan, tamang panunungkulan, serbisyong pangkalahatan at respeto sa bawat isa may mataas man o mababa kang pamumuhay sa mundo.

TAPAT NA SERBISYO ANG KAILANGAN SA PAGLAGO NG BAYAN!

No comments: