Tuesday, February 28, 2006

Opinion sa State of Emergency

Sunod sunod na dagok ang kinakaharap ng bansang Pilipinas patunay na lamang na talagang ang Pilipinas ay lubog na sa kahirapan at ganun din sa pagbagsak ng ekonomiya. Sa mga trahedyang naganap, hirap ng buhay, at ngayon nga ay itong State of Emergency ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Mahirap magsalita ng tapos pero ang ganitobng klase ng pangyayari ay naulit lamang ng naulit pero walang naging pagbabago sa Pilipinas pamula kay marcos at ngayon ay dito kay Gloria. Walang magrereklamo kung walang nanloloko. Walang mang aabuso kung walanmg nagpapaabuso.

Walang ganitong paghihimagsik at pag aalsa ng mga tao kung walang korupsyon na nagaganap, pandaraya, panlalamangan dahil ang nangyayari ngayon ay walang pagbabago. Ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap at ang mayayaman ay walang pakialam sa mundo at sa mga taong naaapakan. Sila ang yumayaman ng yumaman. Kaya nag aalsa at naghihimagsik ay dahil ipinaglalaban ang karapatan at patunay lamang itong pagkakagulo na ito ay dahilan sa walang pagbabago lalong naghihirap at bumabagsak.Hindi ako sang ayon sa batas na ito.

Dapat maaksiyunan an g gumuguhong bansa natin sa kahirapan. Tapusin ang korupsiyon at panlilinlang sa kapwa. Ang mga nakaupo sa batas ang dapat mag state of emergency dahil ang batas na sinasabi ninyo ang hahatol sa mga pangungurakot na ginagawa ninyo.Kayo ang mga nanunungkulan, Hindi lamang si Pang. Macapagal pero lahat ng walang awang inuubos ang kaban ng pamahalaan. Tandaan ninyo na sa bawat pagnanakaw na ginagawa ay ang mahihirap na tao ang pinapatay ninyo habang kayo ay nagpapakasarap sa malalaking bahay ninyo.May Diyos na dapat humatol.Asng tunay na batas ay ang Batas ng Diyos at hindi batas ng Tao kaya humanda kayo dahil walang lihim na hindi nabubunyag. Itong State opf Emergency na ito sino na naman ang pagbabalingan eh di ang mahihirap na nagdurusa na, naghihikahos pa na dapat maunang tulungan ng pamahalaan. Nasaan ang kalayaan na dati nating ipinaglaban?

Hindi man lamang ba pahahalagahan ang ginawa ng mga bayani nating nagbuwis ng buhay para ipaglabana ng bansang PiLIpinas na dating mayaman at ngayon ay hikahos na. Dapat ipaglaban ang karapatan. Supilin ang katiwalaan. Magkaisa na ibangon ang Pilipinas.dapat mauna na tumayo ay ang mga nanunungkulan at kayo ang dapat magbangon ng bansang Pilipinas dahil nasa sa inyo ang Pera at buwis ng taong bayan.

2 comments:

Anonymous said...

Alam mo bang sa mga mahihirap ay magandang balita ang pag-proklama ng State of National Emergency? Habang hindi nawawala ang mga makakaliwang grupong umaabuso sa karapatan ng sambayan ay mamamalaging mabagal ang pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas at mananatiling magulo. Bakit si PGMA lang at ibang pinuno ng gobyerno ang nakikita ninyo pero ang ginagawa ng mga makaka-kaliwa di ninyo nakikita. Sila ang pilit na umaagaw sa aming karapatan at kalayaan. Kung may corruption sa gobyerno mayroon din sa kaliwa. Kung may abuso sa gobyerno mas lalo sa kabila. Bakit nasaan ba ang leader ng kaliwa? Di ba ang sarap ng buhay sa ibang bansa? Ano bang ginagawa ng rebelde sa mga mahihirap at mga negosyante di ba parang hold-up at panlalamang din at pananakot? Kung talagang may malasakit kayo sa mahirap bakit wala kayong paki-alam sa ginagawa ng mga kasama ninyong armado sa mga mahihirap at negosyante na nagsusumikap na mapa-unlad ang bayan? Dahil ba sa takot kayong baka wala nang sumama sa inyong mag-rally. Anong klaseng batas ang gusto mo? Gaya ng batas na pinapatupad ng maka-kaliwa?

Kung gusto ninyong matapos ang gulo at matahimik ang sambayanan then pakinggan ninyo ang aming paki-usap. Paalisin ninyo sa aming mga lugar ang mga rebelde. Dahil gusto namin ng katahimikan at gusto naming umunlad. Hindi namin hiniling na pumunta sila sa aming lugar. Dahil tahimik po ang aming lugar at wala pong military o pulis na nag-aabuso sa aming karapatan. Bagkus ang mga dating sundalong na-assign doon ay tumulong pang magtayo ng kooperatiba para sa barangay.

Ang pamahalaan ay ginagawa ang lahat para mai-angat ang buhay ng mga mahihirap pero anong ginagawa ninyong mga nagra-rally pilit ninyong hinihila pababa ang Pilipinas. Sabi mo diyos ang hahatol . Sa tingin mo ba maka-mahirap at maka-diyos ang ginagawa ng mga rebelde? I will tell you kung ano ang nangyari at kasalukuyang nangyayari sa lugar namin then sabihin mo sa amin kung para sa bayan nga ang pinaglalaban ng mga nagra-rally diyan.

1) Sa lugar po namin ay walang landline hanggang sa ngayon kaya nang magtayo ang Globe ng tower ay laking pasalamat ng mga tao dahil hindi na kailangang pumunta ang mga tao sa Sentro at magbayad ng napa-kamahal para lang maka-usap ang aming kamag-anak na nasa malayo. Napaka-importante ng telepono lalo na kapag may emergency dahil bibihira doon ang biyahe ng sasakyan. Para sa mga tao napakalaking tulong na naibibigay nito. Pero anong nangyari? Wala pang isang taon sinunog ng mga rebelde ang tower gaya ng ginagawa nila sa ibang tower ng Globe dahil ang may-ari ay ayaw magbigay ng rev tax/tong. Kahit na alam nila kung gaano kahalaga ito sa buhay ng mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap na nakiki-gamit lang sa may mga cellular phone para maka-pagpadala ng sms o maka-tawag. Sa tingin mo ba maka-mahirap iyan at maka-diyos?

2) Last year noong umuwi ako tuwang-tuwa ako dahil napakalaki ng pinag-bago ng aming lugar. Mayroon nang multi-purpose at auditorium kaya ang mga nagtu-turo sa Day-care ay hindi na sa ilalaim ng puno kung hindi doon sa multi-purpose na iyon. Kapag may meeting o anumang okasyon ay mayroon ng stage na safe at hindi mukhang papag. Ang tubig sa fawcet ay 24 hours tumutulo at sagana sa tubig ng walang binabayaran kahit singko sentimos. Ang kalsada naming na dati ay palaging lagpas-tao ang hukay kaya walang maka-puntang sasakyan ay matatapos na rin at gawa pa ito sa semento at iyong tulay naming na dati gawa sa puno ng niyog then kahoy, ngayon konkreto na. Our place is one of the lucky recipients of PGMA’s bridge program. Kaya ngayon may mga sasakyan nang permanenteng bumibiyahe sa amin kahit anong oras. Hindi gaya noon na kapag may emergency ay sa duyan lang nilalagay at pinagtutulungan ng mga kapitbahay na dahil sa malayo minsan bago dumating ng hospital ay patay na ang pasyente. Lahat po ng mga pagbabagong iyan ay nangyari sa panahon ni PGMA. Pero lahat po nang pagbabagong iyan ay may kaakibat na katiwalian pero sa parte pong ito hindi ang gobyerno ang sangkot kung hindi ang rebelde. Dahil iyong tulay po ay hindi rin naka-ligtas sa tax na hinihingi ng mga rebelde ang sabi po noong isang may alam ay hiningan ito ng P40,000. Sa mahihirap na nagsusumikap ang halagang iyan ay napaka-laking bagay na. Bukod po dito sa tulay nagkaroon din ng project galing sa munisipyo, iyon po ay ang para sa kanal. Ang barangay po ay hindi binigyan ng pera kung hindi semento lang at ni wala pong pera para sa labor kaya ang napagka-sunduan ay ang mga taga-linis lang ng kalsada ang gagawa at bibigyan-bigyan na lang sila ng niyog o gulayin bilang tulong na rin nila sa barangay. Pero ang nangyari hindi nila masimu-simulan ang project dahil hinihingan sila ng pera ng mga rebelde. Ayaw maniwala ang mga ito na walang pera kahit para sa labor na binigay kung hindi semento lang at pagtutulungan na lang ng mga tao ang pag-gawa. Sa banding huli nagawa ang kanal pero kalahati lang. Hindi po natapos ang panghihingi doon dahil hanggang sa ngayon ang mga opisyales ng aming barangay ay ino-obligang magbigay ng P20-50.00/month galing sa kanilang maliit na honorarium kahit sila ay hindi mimeymbro ng grupo. Kahit may-ari ng sari-sari store na kailangan pang maglako para maka-dagdag ng kita ay nahihingan pa at ang maliliit na magsasaka. Sa palagay mo ano kaya ang nararamdaman naming at nang mga taong ito kapag nakikita nila si Satur at ibang leftist na nagsisigaw sa TV na pinaglalaban niya ang mahirap kung ang mga taong nagpapahirap sa kanila ay ang mismong mga supporter at kasamahan niya? Ang mga tao po doon mas pinagdadasal na mawala na ang mga rebelde sa lugar na iyon hindi po si PGMA. Dahil sila po ang pumipigil sa kaunlaran. Kung sa palagay ninyo ay protesta ang solusyon then itong mga abusing ito ang i-protesta ninyo hindi iyong mga bintang na hindi naman ninyo mapatunayan. Paki-usapan ho ninyo sila na sa halip na baril ang bilhin ipabahay na lang nila sa mga walang bahay at ipatayo ng dagdag na eskuwelahan at mga kalsada, patubig at iba pa gaya po ng ginagawa ng pamahalaan. Sa mahal po ng armas na binibili nila kahit lahat ng eskuwater sa Manila ay kaya nilang pabahayan at kahit ilang classroom puwede po nilang ipatayo. Kung nagawa n’yo na iyan saka ninyo sabihin na maka-mahirap at maka-diyos nga ang ginagawa ninyo.

Anonymous said...

Totoo po yun! Sa ating bansa lang naman ang maraming rebelde na laging nangongolekta sa mga mahihirap. Bakit di nalang sila sumuko at magbagong buhay para uunlad ang bansa natin. Wala naman silang naitulong sa bansa kundi ang panggugulo at pagpapatayan at pagwawasak sa mga pamilya. Dio mio, sana ay matauhan din sila o madisturbo din sila ng kanilang mga konsenya. Yung mga pari ding sumusuporta sa mga rebelde ay dapat ding mag-isip, nawawala na tuloy ang credebility ko sa ibang mga pari. Gumising po tayo, hindi para lumaban, kundi sa kabutihan.