Monday, May 01, 2006

Araw Ng Paggawa, Araw Ng Paglikha

by UMANGAT-MIGRANTE PARTYLIST
Rome, Italy

Sandaang taon na ang nakararaan ng ideklara at ipagdiwang ang natatanging araw para sa uring manggagawa na siyang lumilikha ng yaman ng bawa’t bansa,sandaang taon ng pagpapanday at pagpa-patatag ng ating kaisipan sa pamamagitan ng mga tunggalian at ng mahabang karanasan.

Muli ay ating gugunitain ang makabuluhang araw ng paggawa,araw na kung saan ay nabibigyan halaga ang mga ambag at kabuluhan ng pagiging manggagawa para sa paghubog at pag-unlad ng bawa’t lipunan sa mundo.Sa ngayon ay maraming mga bansa na ang malayo na ang narating sa larangan ng teknolohiya,industriya,telekomunikasyon, transportasyon at marami pang iba.Sa ngayon ay marami naring mga indibidwal at asosasyon ang tumanyag,yumaman at naging maimpluwensya sa politika,kultura,ekonomiya at maging sa larangang militar nang dahil sa pawis at dugo ng uring manggagawa.

Sa pilipinas na kung saan ang labing limang (15%) porsyento ng ating papulasyon ay binubuo ng uring manggagawa kasama ng pitumput limang (75%) porsyento ng uring magsasaka ay tahasan din at patuloy na nakararanas ng di pantay at di maka-taong pagtrato sa kamay ng mga kapitalista at mga panginoong may lupa.Tulad sa ibang bansa ang mga manggagawa sa Pilipinas ay biktima ng iba’t-ibang pagsasamantala tulad ng mababang pasahod,kakulangan ng mga benipisyo,walang kasiguraduhan sa trabaho dahil sa sistemang “apprenticeship”,at kawalan ng karapatan sa pag-uunyon bukod pa rito ang mga di makataong batas tulad ng AJ (Assumption of Jurisdiction).

Bukod sa mga samu’t saring problema na kinakaharap ng uring manggagawa sa kamay ng mga kapitalista ,ang mga manggagawa ay nahaharap din sa mas masalimuot na problema na dulot naman ng kawalang proteksyon at kalinga sa gubyerno mismo.Dahil paglabas ng mga manggagawa sa mga pagawaan ay nahaharap siya sa mas malalang problema ng lipunan na dulot ng mga buktot na opisyal ng ating gubyerno.Nariyan ang mga matataas na bilihin,sangkaterbang buwis tulad ng E-VAT na dapat bayaran na walang namang katumbas na tulong sosyal,laganap na kurakutan sa kaban ng bayan,pagsupil sa mga lehitimong karapatang pantao tulad ng malayang pagtitipon at pamamahayag at higit sa lahat ay ang pagkitil mismo sa buhay ng mga tumututol sa gubyerno,sa ngayon ay tinatayang nasa 558 na ang napapatay sa ilalim ng rehimeng Arroyo.

Kaya’t sa pagdiriwang natin sa Araw ng paggawa ay ipakita natin na tayo ang gumagawa at nagluluwal ng yaman ng ating bansa,na tayo ang humuhubog at nagpapanday ng isang masaganang lipunan.Pinanday tayo ng mga tunggalian at pinatatag tayo ng mahabang karanasan,kaya’t gamitin natin ito upang sa darating na bukas ay makamit natin ang isang sagana,demokratiko at malayang lipunan na kung saan sa pagdiriwang natin ng Araw ng Paggawa ay masasabi nating tunay na araw ng Paglikha.

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWA!!!

8 comments:

Anonymous said...

Ano ba talaga ang ginagawa ng Migrante para sa kapakanan ng mga Pilipino? Kung mayroon man, winawatakwatak ang ating bansa. Kung talagang too ang kanilang pagsilbe sa tao, bakit dapat sisiraan ba nila ang kung sino-sino - lalo na ang motibo ng mga pagsisilbi ng may katungkulang sa gobyerno. Ano ba ang hangaring nila? Walang iba kundi ang magkasirasira ang bayan at sa ganon sila na ang mamuno - ibig sabihin ng sila. Wag na tayong magpaloko sa organisasyon na yan. Magtrabaho nalang tao at tumulong sa kapwa natin sa Pinas o sa Italya. Pinagsasamantalaang din naman tayo nila diba?

Anonymous said...

Where did you find it? Interesting read Cheap mp3 players gb don cohen mortgage pam anderson and jenna jameson http://www.tennis-clipart.info/part-time-job-is-bravo.html new york state mortgage recording Butt licking milfs Accounting services business renault bydgoszcz argentina soccer history Credit repair kit credit score credit repair book N to sew infant seat cover Shaker run golf

Anonymous said...

You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it » » »

Anonymous said...

This is very interesting site... » »

Anonymous said...

Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. Skin care tips for indians Ritalin en gelijke medicijnen sell timeshare video surveillance auxerre design a kitchen cabinet P915 lexmark cartridge 33 31 Cracked bingo free ringtones Kia of athens Development promotion web chevrolet dealers Barcode scanner for pda Mortgages texas fluoxetine Mature anal 2 Shirt fell off business interuption insurance hosting provider

Anonymous said...

What a great site » »

Anonymous said...

ahm., mari niyo b akong tulungan? gusto ko lng sanang mgtanong kung ano nga ba ang mg benipisyong nku2ha ng mga kababayan nating mmanggagawa galing sa ating pamahalaan..?

anu nga b ang tunay na kahulugan nto para sakinla?
sapat ba angmga nata2nggap nilang mga bebepisyo??. . .


paki sagot sa akin ang tanng..

freakheaven101@yahoo.com


~salamat~~~!!

Anonymous said...

ahm., mari niyo b akong tulungan? gusto ko lng sanang mgtanong kung ano nga ba ang mg benipisyong nku2ha ng mga kababayan nating mmanggagawa galing sa ating pamahalaan..?

anu nga b ang tunay na kahulugan nto para sakinla?
sapat ba angmga nata2nggap nilang mga bebepisyo??. . .


paki sagot sa akin ang tanng..

freakheaven101@yahoo.com


~salamat~~~!!