Sept. 20 - Isang pagtitipon ang ginanap noong nakaraang linggo, ika-17 ng Setyembre sa tanggapan ng Embahada ng Pilipinas. Ang okasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philipppine Embassy at Ms Zita Obra, Presidente ng Asosasyon ng Sangguniang Pilipino (ASF), na siyang namuno bilang tagapagsalita sa hapong iyon.
Dumalo ang ibat-ibang Pangulo ng Filipino Association at mga miyembro ng ilang Filipino Community Associations sa Paris.
Ang tema ng usapan ay patungkol sa imigrasyon at iba pang katanungang tulad ng pagdedeklara ng kinita, pagpapatira sa walang papel, pagtanggap ng Prime de l’emploi at iba pang bagay na may kinalaman sa pagtira ng mga migranteng Pilipino sa bansa ng France.
Inanyayahan ni Ms. Zita Obra si Maitre Nader Larbi ‘Aicha’ upang sagutin ang ibat-ibang concern ng mga Pilipinong dumalo. Karamihan sa mga ito ay ayon sa bagong naisakatuparan na batas ukol sa imigrasyon.
Ang mga sumusunod ang mga katanungang tinalakay sa pagtitipon:
1. Puwede ba pang i-apply ang ten yrs residency?
Puwede pa rin, kailangan ang mga pruweba tulad ng EDF, Facture o mga sulat na magpapatunay na ikaw ay naririto sa panahong iyon. Pero ito ay depende pa rin sa Prefecture.
Huwag isama ang bangko, at income tax declaration, mga dokumentong ukol sa pagkita ng pera. Kinakailangang makipag-alaman sa isang abogadong may specialization sa imigrasyon o recours sa imigrasyon.
2. Paano ang gagawin, kung makatanggap ng kautusang lumabas ng bansa?
Maitre Nader : Sa mga may hawak na 10 yrs proof of residency, sa tulong ng isang abogado, maghintay ng isang buwan bago ito iapela sa tribunal (korte), dapat na malamang ang isang taong may kasong nag appeal ay hindi magagalaw upang mapauwi.
3. Papaano kung 2 beses ng nakatanggap ng ‘reconduite a la frontiere’? (pagpapaalis). M. N: Lahat ng kaso ay nililitis at subject to judgement, hindi nila basta basta mapapaalis ang isang tao, habang hindi pa bumababa ang desisyon.
4. Ano ang risk ng isang taong nagpapatira o nagpapa-upa sa isang walang papel? Zita Obra: Ang isang taong walang papel ay itinuturing na ‘non existent’, at considered na isang ‘squatter’ na isang paglabag sa batas ng mga umuupa. Malaki ang risk sa part ng nagpapaupa dahil nilalabag niya ang kautusang iyon.
M.N.: Bukod sa sinabi ni Mlle. Obra, ang mga taong mapatunayang kumukupkop o tumutulong sa mga walang papel ay lumalabag sa kautusan sa isang batas imigrasyon na lumabas noong nakaraang taon at considered na isang ‘complice’.
5. Puwede pa bang umapela ang mga may anak gayong tapos na ang takdang panahon sa pagsubmit ng ‘dossier’?
M.N: Para sa mga may anak, huwag ng ipilit ang kanilang dossier dahil isa lamang itong ‘piege’ o patibong upang kayo ay matunton. Paraan upang kayo ay matunton sa eskuwelahan kasama ng inyong anak.
Mga karagdagang impormasyon:
Dahil sa bagong batas, may karapatan na ngayong mangontrol ang kinaukulan sa mga tirahan. Kinakailangang ipakita ang ‘warrant’ na nagpapatunay ng pagiimbita ng pagsama sa ginawang pagkontrol.
Makabubuting iwasan ang pagtagal sa paghihintay sa eskuwelahan habang sinusundo ang anak, ang mga nagbigay ng kanilang ‘dossier’ ay maaaring makontrol sa eskuwelahan. Kailangang maging miyembro ng isang asosasyong maaaring umalalay sa inyo.
IBANG KATANUNGAN:
Puwede bang magdedeklara ng kinikita ang mga walang papel?
Hindi na, dahil isa itong patibong upang kayo ay matunton lalo na kung meron kayong tseke bilang kabayaran prime de l’emploi na tinatanggap, huwag niyo na itong iincash.
Ayon sa prefecture ng Tropeau at Gaite. Isang paraan para magkapapel, ayon sa ‘chosen immigration’, para ito sa mga taong wala pang 10 yrs residency, pumunta sa Direction Departementale de travail et l’emploi de l’etranger, 127 bd de la Villette, M° JAURES
Ang employer ang dapat mag-apply ng ‘contrat d’embauche’ na kailangang humingi ng contrat de travail pour travailleur etranger non agricole under the following articles from Code de Travail,
L121-1, L121-5, L122-1-1, L122-1-2, L122-3-1 at R341-7-2 ng code de travail. Kailangang may 80 hrs at pataas na declare na oras ng trabaho.
BOXED INFO
PHILIPPINE EMBASSY
PARIS
« ALAMIN ANG INYONG MGA KARAPATAN »
SEMINARS FOR THE FILIPINO COMMUNITY
SEPTEMBER (17) IMMIGRATION ISSUES
Resource Speaker: Ms Zita Obra, ASF
OCTOBER (29) MARRIAGE & ANNULMENT
Resource Speaker: Atty. Caridel Versoza,
Phil. Embassy
NOVEMBER (19) THE OFW AS INVESTOR
Resorce Speaker: Ms. Karen Althea Antonio
Commercial Attaché, DTI
DECEMBER (10) OWWA BENEFITS
Resource Speaker: Atty. Ciriaco Lagunzad, Jr
Labor Attaché, Brussel (To be confirmed)
For more information, call 01 44 14 57 00 or email us at ambaphilparis@wanadoo.fr
No comments:
Post a Comment