Tulad ng maraming pinoy isa ako na nagmula sa kahirapan. Dahil sa pagsisikap at tiyaga masasabi ko sa aking sarili na ako’y isa sa mga nagtagumpay! Sa ngayon, pilit pa ring nakikipagsapalaran bilang isang manggawa sa France.
Taong 2000 ng lisanin ko ang sariling bayan. Ako’y napadpad sa France sa tulong ng aking kamag-anak. Tulad ng karamihan, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa lingguwaheng Pranses, ako ay namasakukan sa isang mayamang pamilya ng arabo dito sa South of France. Mabait ang aking employer, matapos ang tatlong taong paninilbihan, biniyayaan niya ako ng mas malaking puwesto bilang Mayordoma ng kanyang mga anak at kumuha siya ng panibagong pinay para magtrabaho sa bahay.
Sa loob ng tatlong taon pagtitiis na mawalay sa aking pamilya, puro pagtatrabaho ang aking inatupag at ang salaping aking nasinop ay ipinapadala ko ng halos buo upang makabili ng sariling lupa at bahay sa Marikina. Sa ngayon isang talyer ang pinipilit na ipundar ng aking mister. Malungkot man, lubos ang aking kagalakan dahil naiisip ko na may patutungahan ang aking pagpapasakit. Mabuti rin sa amin ang Panginoon at tunay na tao ang pagtingin sa akin ng aking amo, sa aking spare time, ako ay hinahayaan niyang maka-pag-aral ng wikang Pranses. Ginagantihan ko naman ito ng ayos at tamang pagtatrabaho.
Sa ilang pagbabiyahe labas ng France, natutunan ko kung papaanong makisalumuha sa ibang Nationalities, pangit man o maganda, natutunan kong makisama. Maraming pagsubok akong dinaanan at sa gabay ng Panginoon ito ay aking nalampasan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko pa rin ipagpapalit ang bansang Pilipinas, dahil sa dugong nananalaytay sa akin, ako ay babalik sa lupang sinilangan!
Sana ay nakapagbigay saya ang aking istorya sa mga kabayang Pinoy , ano man ang iyong narating bilang isang Pilipinong nasa ibang bansa, ang sipag at tiyaga kasama ng malinis na hangarin ang tanging solusyon sa maayos na hinaharap. Huwag rin nating kalimutan ang ating bansa saan man tayo nakarating, sino pa ba ang dadamay sa sariling bayan kundi tayo rin !
Pasasalamat sa MAD Pinoy na nagbibigay ng pagkakataong mailathala ang aking buhay bilang manggawa dito sa France ng sa kanilang napakagandang artikulo na siyang gumising at humikayat na ibahagi ko rin ang sariling karanasan na sana’y kapulutan ng aral ng mga kabataan. – pinadala via email ni Mrs. Romila Gantimpala ng Cannes-sur –mer.
Ang artikulo ni Ms Gantimpala ang nagkamit ng special prize winner na isang taong libreng subsription sa MAD PINOY.- ed
No comments:
Post a Comment