ni Angel Sy
Kahanga-hanga at kagulat-gulat ang ginawang pag-amin ni President Gloria Arroyo! Mahirap yun especially sa katulad natin na Pinoy na ma-ego at ma-pride... yun na lang kasi ang natitira kaya mahirap sa ating mga Pinoy ang mag-sorry! Pansin ko yan sa mga mataas na opisyal ng Pilipinas!
Ganun pa man, sya mismo ay ayaw magpatawad! Hahabulin daw niya ang mga nag wire tap sa kanya! Kaya naman yun opposition, ginagamit ang isyu na yun! Na lalo naman pinaigting ang panawagan ng pag re-resign ni GMA. They were calling for snap elections!
Sana lawakan pa ng tao ang pang-unawa para hindi na magulo ang atin inang bayan Pilipinas!
Ka awa awa na si Juan De la Cruz! Habang nagkakagulo ang administration at Opposition- inimplement na ang karagdagan pasahe na 2.00 kaya ang pinakamababa na bayad sa Jeep ay P 7.50 na kumpara sa dating P 5.50.
Nasabi ko na po ba na tumaas na naman ang gasolina at diesel noon isang araw ang diesel ay P 28.30 lang ngayon ay P 28.80 na at tumaas na naman daw kahapon!
Hay, sa unang linggo naman ng Hulyo ay magkakaroon na ng e-VAT ang kuryente!, tubig at serbisyo! Isama pa ang E-vat sa Gasolina at Krudo! kaya pag 50 na ang litro ng gasolina babalik na ako sa Bisiklita! Hindi na ako mag tra tricycle:-)
Ang taas na nga tataas na naman! Hay! Anong klase kayang pagtitipid ang kinakailangan?
Sabi nila maghigpit ng sinturon, ano pa kayang paghihigpit ang gagawin natin mga Pinoy?
May mga kilala akong tao na kahit walang sweldo ang trabaho, basta libre kain, ok lang.
Sabi sa Survey ang isang pamilya ng 5 na may isang myembro ng pamilya lamang na nagta-trabaho, ay nagkakasya na lamang sa itlog at noodles araw-araw.
Yun araw araw na pagkain ng noodles ng pinoy ay masama kasi alam natin lahat na may MSG ang bawat pakete ng noodles. Eh ang kaso lang yun lang ang kaya nilang bilhin sa ngayon.
Paano na sila pag tumaas pa ang presyo ng noodles???
Sabaw na lang???
Panawagan sa Gobyerno, ayusin ninyo ang programa ng pagbibigay ng trabaho, para naman makakain na si Juan de la Cruz ng gulay at isda!
1 comment:
ay oo nga, dapat hindi na habulin yung mga nagwiretap. dapat i-waive na ni GMA yung right to privacy niya
Post a Comment