ni Jocelyn Ruiz
jocelynruiz3333@yahoo.com
Kapag iniisip ko kung paano ako nakarating dito sa ibang bansa, halo-halong damdamin ang aking naramdaman at marahil ay naramdaman din ng ibang tao o maaaring tulad mo. Andoon ang lungkot na iiwan mo ang mga mahal mo sa buhay, ang takot dahil wala kang alam at hindi mo alam kung anu ang iyong dadatnan, andiyan din ang saya dahil sa makakarating ka ng ibang bansa at ang pagkakataon na naghihintay sayo sa ibang bayan.
Sa paglisan sa sariling bayan ay isang mahabang proseso at paglalakbay. Ito ay nangangailangan ng tinatawag na "TIBAY" para sa akin.
T= bilang "tatag ng loob". Tayo ay mangangailangan ng lakas ng loob na makipagsapalaran, determinasyon na maihanda ang sarili anuman ang mangyari o anuman ang madadatnan at kahihinatnan. Alam nating lahat na ang pagiging dayuhan sa ibang bayan ay pakikipagsapalaran sa mga bagay na hindi natin kilala at hindi natin alam. Ang tatag ng loob ay isa sa dapat na maging puhunan lalo na kung wala kang kamag-anak o kaibigan na patutunguhan sa abroad dahil kahit may kamag-anak ka ay mangangapa ka pa tin at dapat "sumabay sa kung anu ang daloy at agos ng tubig sa ilog" ika nga dahil maaari kang malunod, o madulas.
I- Bilang "Ingat". Ang pag iingat sa lahat ng bagay ay napakahalaga, lalo na kung mag "TNT" ka o walang dokumento at baka mahuli ka ng Parak ika nga sa atin. Kailangan ng matinding pag-iingat dahil sa ngayon marami ang manloloko at magnanakaw. Kung minsan hindi mo malalaman kung sino ba talaga ang tunay na kakampi o kaaway. Ang pag-iingat ay kailangan din sa klima dito sa abroad dahil iba dito at hindi tulad sa Pilipinas. Pag iingat din sa katawan at sarili ay isang malaking puhunan sabi nga ang kalusugan daw ay kayaman kaya ang pag aabroad ay hindi basta-basta. Tulad dito sa Roma, ang mga ospital dito kapag puno at wala ng puwesto ang pasyente ay hindi tinatanggap ng basta-basta kaya mahirap ang nagingibang bayan. Kalimitan nga sabi ng pinoy "Sa panahon ngayon, Bawal ang magkasakit!"
B= bilang "bukas na Isipan". Ito ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa, pagsasakripisyo at tamang pagdedesisyon sa buhay. Dito sa abroad maraming Pilipino ang nag aakala na ang kamag anak ang tunay mong magiging kakampi at mahihingan ng tulong sa oras ng kagipitan pero marami dito sa abroad ay hindi ganun ang nangyayari hindi ko naman nilalahat pero marami ako nakakwentuhan na mga kababayan natin. Dito kasi nababago ang ugali ng tao talaga. Hindi ko naman sinasabi na layuan mo ang iyong kamag-anak o layuan mo sila bagkus dapat magkaroon ka ng malawak na pag-iisip dahil dito sa abroad mas matitinding pagsubok sa buhay ang haharapin mo. Dalawang lugar ang iisipin mo dito sa abroad at ang mga pamilya mo sa Pilipinas na hindi mo naman nakikita at hindi mo alam ang nagyayari sa kanila. Dito susubukin ang pagsasamahan, susubukin ka sa pera, ang pagkakaibigan, pakikipag ugnayan, at ang pakikipag usap. Kapag hindi bukas iyong isip at kung hindi ka handa ay madali kang mapapagod at manghihina. Minsan ito din ang nagdudulot ng nervous breakdown, stressed at overfatigue. Dito mas matindi ang pag iisip kaysa sa trabaho. Ang bukas na isipan ay tumutukoy sa hindi pabigla-biglang desisyon, hindi madadaan sa init ng ulo dahil pag hindi bukas ang isipan mo maaari kang mapahamak o maging kaawa-awa.
A= Bilang "adhikain". Ito ay tumutukoy sa layunin mo. Bakit ka ba naririto? Anu ang layunin Mo? Kung magpapayaman lang ang motibo mo kaya ka naririto sisiguraduhin ko hindi ka tatagal dito. Dapat may maganda kang layunin upang maging sandigan mo sa oras na dumating ang mga balakid. Tandaan na ang pagsubok dito sa abroad ay doble ng sa Pilipinas. Ang layunin at adhikain ang magpapatatag sayo dito at magbibigay daan para mas mapalawak mo ang buhay. kahit pa sabihin na narito ka para mag aral o magtrabaho tandaan iba ang kapaligiran sa ibang bansa, dahil dito mas makamundo, mas mahirap ang pag aaral dahil ng lingwahe unang-una, ang kapaligiran mo, ang mga makakasama mong kakalase o amo sa trabaho, iba din ang ugali at kultura nila sa atin kaya hindi madali sabi nga sasayaw ka ng rock sa tutunog na sweet at sa tutunog na sweet sasayaw ka ng rock. Anu kaya mo?
Y= bilang "Yabag". Tinawag ko itong yabag na tumutukoy sa lakad. Kahit anung mangyari matututo ka dapat maglakad. Kahit masakit na ang paa mo, o nasaktan ka ng ibang tao, o pinagchichismisan ka, o pinag uusapan ka, o pinagsalitaan ka ng masakit, lumakad ka at mag patuloy wag kang magpapaapekto lalo na kung masama. Tandaan na ang Diyos lamang ang maaari na maging tunay mong kakampi dito sa abroad. Ang yabag ay ang pagsunod sa hakbang ng Panginoon. Pag naririto ka na mas kailangan doblehin mo o pagtatluhin ang pagtawag sa Kanya. Wala kang magagawa kung wala siya sa buhay mo lalo na sa pagdating na ikaw ay mag iisa, parang wala kang makakausap, wala kang magiging kakampi kundi ang sarili mo kaya siya lang ang makakasama mo. Sa yabag dapat dumireksyon tayo sa tama kahit masaktan pa ang ibang tao kung iyon lang ang paraan para maitama mo rin sila. Wag sila ang isipin mo ang lagi mong itatanong sa sarili mo: Kung ako si Jesus anu kaya ang gagawin niya sa sitwasyon kung ito?
Naniniwala ako na itong mga bagay na ito ang dapat magkaroon tayo sa pag aabroad at pakikipagsapalaran. Kung tayo ay mayroong TIBAY tatagal din tayo tulad ng iba nating kababayan na nagtatrabaho dito. Kung mayroon tayong TIBAY maaari rin naman nating maramdaman na mawiwiwili ka na rin. Marami din namang masasayang bagay sa abroad basta marunong ka lang humawak ng tama sa buhay mo. Kaya para sayo kabayan kahit anung problema, suliranin, balakid, pagsubok... Mag take ka lang ng "TIBAY!"
LIBRE NA, LALAGO KA PA!
1 comment:
"Sa paglisan sa Sariling Bayan" natin. Maganda ang pagkasulat mo Inng binabati kita.ItoĆ½ binabasi mo sa mga taong yong naka-usap.Yan ang kanilang mga experyensa sa buhay ng mga taong dumadayo ng ibang bayan. Tama ka maraming lumisan sa ating bayan para makipagsapalaran at magkaroon ng magandang trabaho o kaya mag aral. Dahil bawat isa sa atin ay mayroon pangarap na balang araw gumanda din ang ating buhay. Isa na rito makatulong ng atin familya at ang iba ay nakapag asawa ng ibang lahi o dayuhan.TIBAY ng saril o bawat isa sa atin ay isang magandang halimbawa ng ating mga kababayan. Mga problema sumasalobong ng atin buhay. Huwang mawalang ng pag asa dahil nandiyan ang mahal na poon Diyos kahit papaano hindi niya tayo iiwanan palagi siyang gabay ng atin buhay, doon sa mga taong naniwala sa kanya at kay Mama Mary. Ibang cultura marami din tayong na tutunan sa kanila, luma-lawak lalo ang atin panigin sa buhay. Binigyan tayo ng isipan at talino ng mahal na Poon Diyos. Ang mag desisyon at pili-in kung ano ang nakararapat at ikabubuti ng atin sarili/buhay. Sa haba ng daan na atin nilakaran hindi pa rin natin sigurado/alam na ito na talaga ang buhay ko/natin ngayon naka laan.
Post a Comment