Friday, March 03, 2006

State of Emergency: Solusyon Ba?

ni Jocelyn Ruiz
Rome, Italy

Dagok sa bansang Pilipinas nagtuloy-tuloy. Maraming trahedya ang naganap. Maraming buhay ang nawala. Maraming luha ang tumagas. Marami ang nasaktan at patuloy na nasasaktan. Lubog na nga bang talaga ang Pilipinas? Wala na nga bang pag asa na maiahon ito sa kahirapan na ngayon ay umaalingasaw sa bawat bibig ng maraming Pilipino? Totoo bang nasa putik na tayo ng kagipitan? Mga Mahihirap na tao patuloy na naghihirap. Gobyerno hindi na malaman kung ano ang gagawin. Mataas na bilihin hindi na naibaba.

Ekonomiya ng bansa umiiyak na at sumisigaw. Ang inang Bayan gusto ng mag alma pero walang magawa. Mga Bayani sa libingan na nagbuwis ng buhay binubuhay ang kanilang mga ipinaglalaban sa karapatan na makamtam ang “Kalayaan ng Bansa”. Usap usapan hindi na natatapos. Marami ang natatakot dahil Pilipinas nagkakagulo ang mga tao. Hindi na malaman kung sinu nga ba ang dapat sisihin sa mga pangyayari na sunod sunod na bagyong humahagupit dito.

Parang latigo na unti unting uubusin ang mga tao dahil ba sa Kahirapan ng mundo? Dahil ba sa Korupsyon? Dahil ba sa maduming pulitika? Dahil ba sa pang aabuso ng mga matataas na tao? Dahil ba sa maling panunungkulan? Dahil ba sa katiwalian at pandaraya? Dahil sa pagnanakaw at pagiging makasarili? Dahil ba sa maling opinyon at paggawa ng masama kahit kapwa tao ang mamamatay sa gutom? Ilan lamang iyan marahil sa possibleng dahilan para malaman ang dahilan Pero bakit nga? Pinapalo na nga ba ang Pilipinas sa mga maling pamamalakad at pag iimbot na bumabalot sa mga taong naninirahan dito? Sino ang dapat sisihin?

Ilan pang mga Pilipino ang mamamatay? Ilan pang mga Bata ang makakakita ng kahindik hindik na mga pangyayari sa bansa na wala namang kamalay kamalay? Ilang beses pa na tayo ay luluha at maghahanap ng katarungan? Ilan beses pa na tayo ay makukulong sa pag aalsa at paghihimagsik? Kailan matatapos ang rebolusyon? Kailan mawawakasan ang korupsyon, kasamaan, katiwalaan? Kailan magigising ang dapat magising? Kailan ba tayo magtutulungan at hindi magiging alipin ng kasakiman, ganid at galit na pagtataksil sa bansa? Bakit tayo ganito? Ikaw? Anu ba ang masasabi?
Bakit ayaw nating magtulungan? Lahat tayo ay may buhay at nais mabuhay sa maayos na paraan. Bakit ang yaman yaman mo na ayaw mo pang magbahagi at imbis ay ninanakawan mo pa ang kaban ng pamahalaan na sana at dapat maitutulong sa mga nangangailangan at naghihikahos. Bakit kayo ganyan? Binigyan kayo ng posisyon pero hindi ninyo ginagamit sa mabuting paraan. Itinayo namin kayo dahil kami ay nagtiwala at ibinuhos ang buong pagsuporta sa inyo upang maiahon ninyo ang bansang Pilipinas. Hindi lang ito para kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kundi sa lahat ng nanunungkulan sa mundo.

Kahit pa sino ang iluklok natin sa bansa, kung ang kanyang layunin ay magpayaman, magkamkam ng salapi ay walang mangyayaring pagbabago, walang mangyayari na pag unlad at pagtayo ng bansa. Wag sana tayong maging makasarili. Ang naapakan ay ang mga taong walang malay, mga taong halos gutom ang inaabot sa araw araw, mga taong magpapakamatay makakain lamang sa isang araw. Nasaan ang katarungan? Nasaan ang inyong pinag aralan? Nasaan ang tinatawag na Pagkatakot sa Diyos kung tayo ay isa sa nagdudulot ng hirap sa mundo.

Tumayo tayo at ibangon ang Pilipinas. Magkaisa. Wag nating hayaan na tayong mga Pilipino ang magpatayan Dahil MAGKAKAMPI TAYO KABAYAN, MAGKASAMA TAYO KAIBIGAN, MAGKADUGO TAYO KAPATID, PAREHO TAYONG PILIPINO KAYA DAPAT NATING PAHALAGAHAN AT MAHALIN ANG INANG BAYAN. Wag nating hintayin na mahuli ang lahat magsama sama tayo sa pagkilos sa mga dagok, at bagyong rumaragasgas sa ating bansa.

ITAGUYOD ANG KALAYAAN PARA SA KABUTIHAN DAHIL SA HULI’T HULI ANG MANANALO AY HINDI ANG BATAS NG TAO. ANG HAHATOL AY HINDI TAO. ANG MANGINGIBABAW AY ANG BATAS NG DIYOS KAYA HANGGANG MAY PAG ASA PA AT PANAHON NA MAGBAGO AY DAPAT TAYONG MAGBAGO DAHIL TAYONG LAHAT AY SA LUPA NAGMULA AT LUPA DIN PUPULUTIN AT MAGBABALIK. KAYA MAKONSENSYA! ITIGIL ANG KASAMAAN AT ITAYO ANG KABUTIHAN! MABUHAY PILIPINO! LABAN PILIPINO SA HAMON NG MUNDO!

3 comments:

Anonymous said...

paano nga tayo magkakaisa? paano nga sila makokonsensiya? araw-araw ko na nga silang pinagdarasal na matauhan sana. wala pa rin. hindi naman ako pwedeng mag-rally dahil walang kakainin mga anak ko kung hindi ako maghahanapbuhay. magkakaisa lang siguro tayong 99% na mga pilipino sa kahirapan. ang 1%? 'yon ang mayayaman sa pilipinas. kawawa ang mga anak ko.

Anonymous said...

Sa tanong na kung sino ang dapat sisihin; ang masasabi ko ay tayong lahat. Lahat tayo may kasalanan sa nangyayari sa ating bansa. Hindi natin puwedeng isisi lang sa mga pinuno natin ang lahat dahil iisa lang naman ang pinanggalingan ng lahat ng problemang kinakaharap ng bansa sa ngayon. Ito ay ang kawalan ng disiplina sa sarili ng nakararaming Pilipino. Bibihira ang pilipino na marunong sumunod sa batas kahit napaka-simpleng batas trapiko ay di magawang sundin. Maraming sa atin ang kapag nasa ibang bansa ay natututong magbayad ng tax, natututong sumunod sa batas trapiko at kung anu-ano pa pero pagbalik sa Pilipinas balik sa dating gawi. Lahat tayo mayaman man o mahirap ay naghahangad ng pagbabago. Bakit hindi natin simulan sa sarili natin? Ang disiplina ay nagsisimula sa bahay. Sikapin nating maging modelo ng kabutihan sa ating mga anak para lumaki silang mabuting mamamayan, para sa susunod na henerasyon ay wala nang magbi-benta ng boto (dahil ang taong may disiplina sa sarili ay hindi nagbi-benta ng boto kahit mahirap), wala nang magnanakaw sa kaban ng bayan, magiging responsable na rin silang botante kaya wala nang magiging presidenteng magnanakaw at nagbibilang ng asawa, wala na ring boboto sa kandidato na ang tanging puhunan ay kaguwapuhan, galing sa pag-arte, o galing sa pag-shoot ng bola kaya pagdating sa senado ay walng ginawa kung hindi magbilang ng butiki.

Hindi rally ang sagot sa kahirapan at ibang problema ng bansa kung hindi ang pagbabago ng ating mga sarili. Matuto tayong gampanan ang tungkulin natin bilang mamamayan. Ang ginagawang rally ng mga leftist at rightist sa Manila ay hindi para sa mahihirap kung hindi para sa sarili nilang ambisyong politikal at para protektahan ang kani-kanilang pag-aari at negosyo. Ginagamit lang nila ang mahihirap for their own selfish interest. Some of the leftist leaders like Satur, Beltran , Rosales and others and the rightist like Cory, Escudero, Hyatt and some soldiers, they keep on saying that they are fighting for the poor but in reality sila ang nagpapahirap at kumikitil sa karapatan ng mga mahihirap. Sila ang umaagaw sa demokrasyang tinatamasa natin sa ngayon. Ang mga rebelde ay patuloy na hinihingan ng revolutionary tax o tong ang mga mahihirap na magsasaka sa kanayunan .Kakaunti na nga lang tira sa ani hihingan pa ng bigas ng mga rebelde. Kahit owner ng napakaliit na sari-sari store ay hinihingan. Malaki o napaka-liit na project ng gobyerno sa mga barangay ay hindi rin nakaka-ligtas sa kanila. May mga bayan na hanggang ngayon ay wala pang landline kaya pasalamat ng magtayo ang Globe ng tower kasi hindi na nila kailangang pumunta sa sentro ng probinsiya para lang maka-tawag sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa malayo, lalo na sa panahon na may emergency. Pero wala pang isang taon sinunog ito ng mga rebelde. Ayaw man ng tao ang nangyayari pero di makapag-reklamo dahil takot. Ayaw man magbigay walang magawa. Marami sa mga namumuno sa rally ay ang lakas sumigaw ng kung ano-ano laban kay PGMA pero wala tayong marinig sa kanila na nag-kondena sa ginagawa ng mga rebelde sa mga mahihirap sa kanayunan at sa mga negosyante, malaki man o maliit o ang pagpapa-sabog nila ng tower ng Globe na ang pinaka-apektado ay ang mga mahihirap.

Ang demokrasya ay buhay na buhay pero kung hahayaan nating maagaw ng mga maka-kaliwa ang kapangyarihan ay mawawala ang tinatamasa nating kalayaan.

Bago natin tanungin ang pamahalaan kung ano ang nagawa nito sa atin, tanungin muna natin ang ating mga sarili kung ano ang maibibigay nating tulong sa pamahalaan para makamit natin ang tagumpay at kapayapaang ating minimithi.

I and members of our group supports the President's proclamation of State of National Emergency because we believe na may sapat na rason para gawin ito and it's for our own protection.

Anonymous said...

AMEN SA SINABI MO KAIBIGAN. BAGO TAYO MAGTURUAN, TINGNAN MUNA NATIN ANG ATING MGA SARILI.