ni Angel Sy
Ako'y litong lito at di alam ang gagawin...
Isang bagong simula o isang bagong kaguluhan ang pangyayari kahapon sa Makati ay lubhang nakakairita ayon sa mga commuters na ininterbyu sa TV dahil kinakailangan nilang maglakad mula EDSA dahil sa ipinasara ang AYALA, Makati.
Ilang Raliyista, nagpaiwan sa AYALA, at doon natulog, dahil umaasa na sila na ang laban ay tuloy tuloy na sa MALAKANYANG.
Expectation nila makonsensya si GMA at bumaba na sa pwesto!
Sa ganang akin naman ay lubhang nakakabahala ang kawalan ng stand ng majority ng Filipino. Ikaw ba naman na gumamit lang ng salita laban sa GMA administration ay sasampahan kaagad ng kaso ni Justice Secretary Raul Gonzales! Hello Garci????
Lubha akong naguguluhan sa mga nangyayari ngayon sa aking mahal na Pilipinas! Sisimulan na ang Oral arguments sa Supreme Court ngayon araw na ito tungkol sa e-vat!
Aba, may rally rin pala ang pro-Gloria, ano ba??? Ang gugulo nila lalo nila pinababa ang piso, di na nila kailangan gawin yun! It's a waste of time & money, hmmm... magkano kaya ang hakot fee??
Dati ay si Cesar Purisima ngayon ay si Sec. Gary Teves na ang finance secretary. Ang unang ginawa nila ay ang paghahabol sa lifting ng e-vat na lubhang MAGPAPAHIRAP sa bansa!
Papalitan ko na ba ang aking Piso sa DOLYAR?
No comments:
Post a Comment