Monday, July 04, 2005

A Tooth For A Tooth?

ni Angel Sy

Nabuhayan ako ng loob ko nang magkaroon ng Temporary Restraining Order (TRO) sa E-VAT!

Katawa-tawa kasi, noong a uno ng Hulyo ang presyo ng halos lahat ng bagay ay nagsitaasan, pati tabloids na dati ay ibinebenta sa halagang 8 pesos ay 9 na! Noong Sabado, July 2, ito ay muling bumaba sa halagang 8, haaaay! Salamat makakapag-cross word puzzle pa rin pala ako, yan ay dahil sa pansamantalang bisa ng TRO!

Ang Diesel ay naging 31 pesos na dito at ngayon ay muling ibinalik sa 29.71! Yehey!

Ayun sa Philstar.com, "President Arroyo vowed yesterday to fight tooth and nail to convince the Supreme Court to lift its temporary restraining order (TRO) indefinitely suspending implementation of the expanded value-added tax (EVAT) law."

A tooth for a tooth ba ang gustong laban ni Ginang Arroyo??

OO nga malaking pera para sa Gobyerno, ang pera mula sa E-Vat, ang tanong?? Sigurado ba sila na mapapasakamay ng gobyerno ang malaking halagang ito o muli na naman mapupunta sa Bulsa ng mga ganid natin lingkod bayan???

Humihingi ka ng Sorry at pang unawa-compassion! …ngunit ano ang ginagawa mo kontra sa sinasabi mo? Ang boses ng bayan ay naghuhumiyaw - bigyan sila ng trabaho para makuha nilang lumangoy kontra sa tubig na ibinuhos mula sa DAM ng Malakanyang, paano mo maaatim ang milyon-milyong Filipino na nalulunod sa E-Vat at tax measures na iniimplement ng pamahalaan??

Sabi mo hindi kami maaapektuhan?? Di po ba ang LPG ay 387 lamang bawat tangke? Bakit magiging 420 dahil sa E-Vat, yan ba ang sinasabi mong hindi kami maapektuhan??

Anong palagay mo sa amin tanga? Gago? PGMA alam ko na alam mo na madaming kababayan natin ang apektado ng krisis, ano ang ginagawa mo? Nagpapa-implement ka ng E-Vat dahil sa palagay mo ay kaya naman ni Juan na mag survive! Ikaw na nasa pwesto na yan mula 2001?? Ano na? Ano ang nagawa mo? Sa tingin mo ba umunlad ang Pinoy?

Naging mas masagana ba ang kanilang hapag kainan, a oo nga pala hindi mo naramdaman ang magutom kahit na kailan, isa kang pinagkakapitaganan anak ng dating Presidente ng Pilipinas! At asawa ng isang Tuazon-Arroyo na ubod ng yaman! Naranasan mo na bang sumakay sa jeep na ikaw mag-isa bitbit ang pinamili mo? Nalipasan ka na ba ng pagkain, dahil nawalan ng trabaho ang tatay mo? Nagbigay ka na ba ng sulat pakiusap sa teacher mo dahil di ka maka exam dahil wala kang pangbayad sa Tuition?

Hindi! Hindi mo pa nararanasan ang lahat ng Yan! Ipokrita ka kung sasabihin mo na alam mo ang maging mahirap!

Ang taong may pagmamahal sa bayan serbisyo ang pinagkakapitagan! Ano ang servisyong 220? BIGYAN ng mapagkakakitaan ang masang Pilipino!

HUMIYAW KA JUAN! Magbigay ng sapat na trabaho para makaya ni Juan ang unos ng E-VAT!

Parang bata na pinapalo ng Malakanyang si Juan de la Cruz, tama na po Ina ng Bayan! Maawa ka na po sa amin!

No comments: