Wednesday, July 27, 2005

Pwede Ba Magbakasyon Bilang Filipino?

ni Angel Sy

Pwede ba magbakasyon bilang Filipino, pwede ko bang maranasan kahit sa sumandali lamang na maging first class citizen?

Lubha na akong napapagod maging Pinoy! Nakakalungkot isipin na sa kanilang pag kukulitan sa Pulitika, lalong nagdarahop ang inang bayan, bumaba ng 75% ang mga namumuhunan sa Pilipinas sa taon na ito.

Ang ibig sabihin nun ay milyon milyon pinoy ang walang trabaho.

Kasi sa pag pull-out ng kanilang investment kasamang nawawala ang trabaho para kay Juan de la Cruz.

Masakit man isipin ngunit yan ang katotohanan.

Tulad na lang nang isang kusinera, na may 3 anak, ang kanyang asawa ay dating nagtratrabaho bilang taga linis ng aircon, nangongontrata sila ng malalaking opisina na kanila naman nililinisan ng aircon, ngunit kasabay ng kaguluhan sa ating bansa, kasabay din nawala ang mga namumuhunan at ang trabahong dati niyang ipinangtatawid gutom sa kanyang mag iina.

Ngayon, araw at gabi siya na umaasa na muli magbalik ang sigla ng pangangalakal, para maibsan niya ang pagkagutom ng kanyang maybahay at 3 anak.

Sa ngayon, siya ang nag aalaga sa 3 anak at ang misis niya na nag papadede pa sa wala pang isang taon sanggol ang syang naghahanapbuhay bilang kusinera, labandera at kung ano na lang para lang may pang gatas at kain ang kanilang pamilya.

Hindi lamang sila ang may ganyan kwento ng pagdarahup, lubhang naka kaantig ng puso ang pag isa isa sa kanilang mga kwento...

No comments: