TAO PO!
ni Jocelyn Ruiz
Kung natatandaan po ninyo ang aking sinulat na artikulo o balita na pinamagatang Karapatang Pantao:OWWA May pakinabang ka ba? na nailathala o lumabas noong nakaraang ika-15 ng Pebrero 2005 na naglalayong ipaalam ang aking naging karanasan na siyang naging dahilan upang ilathala ang katotohanan at karapatang pantao. Lumapit po ako kay Miss Susan K. ng DZRB Radyo ng Bayan sa Pilipinas at ang sa kanyang Pilipinas Online Bantay OCW para humingi ng tulong at mailatha ang aking artikulo ng sa ganon ay magkaroon ng pagbabago sa ating mga kapwa Pilipino na nanunungkulan at ganun din ay upang sila ay magising sa katotohanan na may mga tao na ipaglaban ang kanyang karapatan.
Ako po ay nakipag-ugnayan upang hindi maisabasura lamang ang aking artikulo bagkus ay mabigyan din ng kasagutan ang mga tanong na lumilipad sa hangin. Ang aking pong artikulo ay hindi sa pagbatikos tumutukoy lamang kundi sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtulungan upang magkaroon ng kaliwanagan, kumakatok sa pintuan nila dahil sa kakulangan ng inpormasyon na dapat maiparating sa mga OFWs, at paglalathala na sana'y wala ng maging sumunod na biktima ng isang “expiration” lamang na nagbayad sa pagiging miyembro sa loob ng maraming taon na wala naman palang kapakinabangan na matatamasa.
Ipinadala ko sa e-mail address ni Miss Susan K ang aking nasabing artikulo na nailathala dito sa Roma. Mabilis ang naging aksyon ni Miss Susan K at ito ay ipinadala niya agad kay Director Rustico De la Fuente ng OWWA upang makuha naman din ang kanilang panig sa aking artikulo. Ito po ang kanilang naging tugon..
________________________
Marso 4, 2005
BB. SUSAN K.
Pilipinas Online Bantay OCW
susankbantayocw@yahoo.com
Dear Susan:
Nais naming bigyan ng paglilinaw ang mga isyu sa liham na inyong inilapit sa aming tanggapan.
Hinggil sa liham ni Bb. Jocelyn Ruiz:
a. Ang `information dissemination” ng OWWA sa pagiging miyembro ng isang OFW ay ipinatutupad ng ating mga kinatawan sa mga bansang may tanggapan ang Ahensiya, kabilang ang Rome. Sa katunayan, bukod sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) na ipinatutupad sa tuwing umaalis ang mga OFWs, may mga OWWA Primer pa kung saan nakalagay ang lahat ng programa at benepisyo para sa manggagawa. Maaari rin pong bisitahin ang aming website www.owwa.gov.ph.
Maliban po dito, ang mga OFWs po sa job sites ay tinutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng ating Philippine Overseas Labor Officials o POLO. Wala pong tinatawag na `distinction’ pagdating sa status ng pag-eempleyo. Basta po isang Filipino, pantay-pantay po ang pagtingin ng ating mga kinatawan. Kabilang po sa programa ang paghahanap sa nawawalang OFWs, pagdadaos ng mga counseling at training programs at maging `conciliation’ o representation sa mga employers. Bahagi rin po ang Airport Assistance at documentation para sa mga nangangailangan ng repatriation services.
b. Ang OWWA Board of Trustees ay kinabibilangan ng mga respetadong kinatawan ng publiko at pribadong sektor at maging ng mga land-based at sea-based OFWs na ang hangad ay mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa sa ibayong-dagat habang pinangangalagaan ang pondo ng OWWA. Sa katunayan, ang pondo po ng Ahensiya ay lumaki at umabot sa 8 bilyong piso. Makaaasa po kayo na pag-iibayuhin namin ang aming pangangasiwa sa pondo at paghahatid sa mga programang kapaki-pakinabang para sa ating mga kababayang OFWs.
c. Makaaasa po kayo na marami pong kapakinabangan ang makukuha ng isang `regular’ na miyembro ng Ahensiya, lalung-lalo na po sa oras ng kanilang pangangailangan.
d. Bukas po ang aming isipan sa mga isyung nais ilahad ng mga OFWs at tinutugunan namin ito sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at nararapat na aksyon.
e. Ang pagiging miyembro ng isang OFW sa OWWA ay tumatagal batay sa kanyang kontrata subalit hindi hihigit sa dalawang (2) taon. Marami pong benepisyo ang maaaring ma-enjoy ng members- OFWs, katulad ng Scholarship/Training Program, Insurance Program, Airport Assistance Program, Livelihood Program, at iba pa.
f. Nagkataon lamang po na may mga nauna tayong komitment na napakahalaga subalit bukas naman po lagi ang aming tanggapan para sa interview para sa programa ng OWWA.Ang lahat po ng inyong inilahad sa inyong liham ay amin pong binibigyan ng pagpapahalaga at itinuturing na isang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa mga OFWs upang mas lalo naming paghusayan ang aming gawain. Makakaasa po kayo na patuloy ang aming pagtataguyod sa mas pinalawak at pinagandang programa para sa mga OFWs.
Marami pong salamat.
Sumasainyo,
RUSTICO SM. DELA FUENTE
Director, Policy & Program Development
________________________
Iyan po ang naging tugon nila sa aking artikulo na ipinadala. Ngayon naman po ako naman po ang magbibigay ng aking panig ukol sa mga sinabi nila:
a. Isa pong makakatotohanan na kayo po ay kulang sa information dissimination dito sa Roma. Dito po kasi sa abroad (Rome, Italy) ang Philippine Embassy po ay mayroong file ng mga communities na binubuo ng mga Pilipino. Ang kanilang pong ginawa na pagbibigay ng inpormasyon ay ang pagpupublish sa dyaryo na “Ako ay Pilipino” ukol sa bagong batas na Omnibus Policy katulad po ng nasabi ni Mr. Juanito Cuevas sa kanyang interview sa radyo(Radyo Bato-Bato sa Langit every sunday 9:00-10:00am, 87.9fm) dito sa Roma. Maaring nagbigay po sila ng mga brochures pero hindi po nakasapat iyon dahil marami pong mga Pilipino ang naririto sa Roma at kami po ay binubuo ng 42 communities. Dito rin po sa Roma ang may pinakamaraming member ng OWWA kagaya po ng nasabi ni Mr. Cuevas. Hindi po sila nakipag ugnayan sa bawat communities para man lamang magkabigay ng kopya o brochure o kahit inpormasyon na makakasapat para maipaalam sa mga Pilipino. Bukod po dito kahit pa po sabihin ninyo na kayo ay may website na pwedeng bisitahin, hindi naman po lahat ng mga OFW ay makakabisita sa website ninyo dahil ang iba ay walang alam sa computer at ordinaryong mamamayan lamang o kaya naman ay hindi nakatapos sa kanilang pinag aralan. Dapat po sana ay nakapag isip ng mas mainam na paraan para sa “information dissimination” katulad ng aking nasabi na noon ay dapat inumpisahan at ipagpatuloy.
Sa kasalukuyan. Hindi naman po masama na gamitin ang pera para sa mga OFWs din upang ipaalam ang mga inpormasyon na dapat nilang malaman o kahit photocopy na dapat ipamigay sa bawat community o kahit makipag ugnayan sa bawat simbahan o coordinator ng bawat community o kahit sa Sentro Pilipino. Bakit hindi rin kayo maglagay ng tagalog version ng mga nakalagay sa website ng OWWA ng sa ganun ay magamit ang PAGMAMAHAL SA SARILING WIKA AT MAINAM NA MAINTINDIHAN NG LAHAT. Bakit hindi maisip ang ganitong mga paraan? Dahil sa ganitong kakulangan ng information dissimination, ilan pang OFW ang maeexpired din ang membership? Ilan pa ang aasa sa wala? Ilan pa ang makakaramdam ng panghihinayang? Sana naman po mag isip din kayo ng maayos dahil hindi naman po namin pinupulot lang ang pera... DUGO AT PAWIS po ang aming puhunan. Tinitiis ang lahat ng hirap kahit malayo sa pamilya makaahon lang din sa kahirapan at TUMULONG SA BANSANG PILIPINAS sa pagdadala ng dolyar at euro sa bansa. Sana naman po kami ay mapakinggan at bigyan ninyo ng aksyon ang inyong kakulangan. Nasabi ninyo rin po ang tungkol sa pantay-pantay na pagtingin ng kinatawan dapat lang po na ganun ang mangyari dahil kahit sa paningin ng Diyos tayo ay pantay-pantay din. WALANG MAYAMAN AT WALANG MAHIRAP...
B. Nasabi po ninyo ang OWWA Board of Trustees na nangangalaga sa pondo ng OWWA at ito po ay lumaki at umabot sa 8 bilyong piso kung ganoon po: Bakit po marami pa ring mga pending na mga benefits ang ipinakita sa amin ng Social Benefits Area sa OWWA? Anu po ang masasabi ninyo? Sino po ba talaga ang dapat naming paniwalaan? Ipinagmamalaki pa po ninyo na lumaki ito eh marami po naman ang nakapending? Kung lumaki nga po ito, Sana unahin ninyong bayarin ang mga nakapending na benefits ng mga OFWs na nakalista diyan sa inyo para mabawasan naman sila at magkaroon kayo ng mas magandang pamamalakad. Tungkol po sa sinasabi ninyo na pag-iibayuhin pa ninyo ang pangangasiwa sa paghahatid ng mga programa para sa pangangalaga sa mga OFWs, ang masasabi ko lang po SAWA NA KAMI SA MGA PANGAKO NA NAPAPAKO. MULI PO KAMING AASA SA INYO AT SANA NGA KAYO NA ANG MAKATUPAD NG PANGAKONG ITO!
C. Tungkol sa makakaasa ang regular na miyembro ng ahensiya na maraming kapakinabangan na makukuha sa pagdating ng pangangailangan, ito lang po ang masasabi ko: MGA KABABAYAN KONG OFWs ITAGA PO NINYO ITO SA BATO NA MARAMI DAW MAKUKUHANG KAPAKINABANGAN ANG REGULAR NA MIYEMBRO NG AHENSIYA.
D. Dapat lamang po na bukas ang inyong isipan at magkaroon ng masusing pag-aaral dahil sa nangyari pong ito sa tingin ko ay MAGKAKAROON NG MALAKING PAGBABAGO. Wag ninyo pong hintayin na marami pang JOCELYN RUIZ ANG LUMABAS SA MUNDO! Wag po ninyong hintayin na marami pa ang magreklamo!
E. Para po sa mga sinabi ninyong mga benepisyo na iyan ipaalam po ninyo iyan sa mga OFWs at sisiguraduhin ko po sa inyo na baka nasa 50-70% ang hindi nakakaalam o hindi nagagamit ang inyong pinagsasabi na mga benepisyo.
F. Nasabi po rin niyo na nagkataon na may mga komitment na napakahalaga subalit bukas po ang inyong tanggapan. Hindi po maganda ang inyong katwiran kapag po sinasabi ninyo na nagkataon na may komitment, kayo po ay nakaupo sa panunungkulan kaya po ang responsibilidad po ay responsibilidad at ang trabaho po ay trabaho... Iyan po kasi ang natutunan ko dito sa abroad pagtrabaho trabaho hindi pupupwedeng may komitment kang iba.
Ako naman po ay nabigyan ninyo din ng kasiyahan sa inyong pagsagot sa aking artikulo. May mga bagay po na mahirap tanggapin sa aking mga sinulat pero iyon po ay pawang katotohanan lamang. ORAS NA PO PARA KUMILOS! Ito po ay isang pakikipag-ugnayan sa inyo upang ang inyong panunungkulan at serbisyo ay MAS HIGIT NA MAGING KAPAKI-PAKINABANG SA MATA NG TAO LALO'T HIGIT SA MATA NG DIYOS. Ito po sana ay wag ninyong gawin personal bagkus magbigay sa inyo ng MALAKING PAGBABAGO, MALAKING MUNGKAHI, MALAWAK NA PAG AARAL AT PAGSISIYASAT. TAO PO! KUMAKATOK UPANG MAGISING ANG DAPAT MAGISING, MAGULAT PARA GUMAWA NG AKSYON AT IPINAPAKITA NA IPAGLALABAN ANG KARAPATAN TULAD NG MGA BAYANING NAGBUWIS NG BUHAY...OFW... bayani noon at ngayon!
5 comments:
nais po naming humngi ng tulong sa inyo nasana po mabilisang action para kay teresa fernandez na isang OFW sa bansang ABUDABI UAE na gusto na po nyang umuwi dito sa pilipinas dahilan sa sobrang nahihirapan sa kanyang trabaho madalas syang nag kakasakit at nagdurogo ang kanyang ilong kaya po humihingi kami ng tulong sa inyung tanggapan inaasahan namin na mapapadali ang kanyang pag-uwi dito sa PILIPINAS maraming salamat po & GOD BLESS
nais po naming humngi ng tulong sa inyo nasana po mabilisang action para kay teresa fernandez na isang OFW sa bansang ABUDABI UAE na gusto na po nyang umuwi dito sa pilipinas dahilan sa sobrang nahihirapan sa kanyang trabaho madalas syang nag kakasakit at nagdurogo ang kanyang ilong kaya po humihingi kami ng tulong sa inyung tanggapan inaasahan namin na mapapadali ang kanyang pag-uwi dito sa PILIPINAS maraming salamat po & GOD BLESS
nais po naming humingi ng tulong sa inyo,sa mabilisang action paa kay HERMENIA YANZON na isang ofw sa bansang KUWAIT. gusto nya na pong umuwi ng pilipinas kaya lang po hinold ng amo nya ang kanyang passport at mga documents. binantaan din syang ipapakulong f magpilit syang uwi,and the worse d sya binigyan ng sahod nya at binapagbayad pa sya. ibinalik sya ng amo nya sa agency kasi nagaway cla ng kasambahay din tapoz binato sya ng plantsa and natamaan sya sa mukha.now ponagkakasakit na sya dun at madalas sumasakit ang tiyan. humihingi po kami ng tulong sa inyong tanggapan. umaasa po kami sa inyong tulong upang mapadali po ang kanyang paguwi dito sa Pilipinas at humingi din po kami ng guide kung ano ang dapat nyang gawin.Maraming salamat po and God Bless to all!
dear,miss susan k. gud am.po mam susan nais ko po sana humingi ng tulong pr s aking anak n nsa dubai nais ko sana n ang ank ko nc jennifer ay mapauwi n agd d2 s lalo madaling panahon ako o ay sobra ngaalala n dhl ssya po doon ay ikinulong s hotel ng taga lokal aya po ay ikunulng mula p nga wednesdy ng gabi sya po ay sinasakatn ng arabo at ikinulong s hotel ky mam susan ako po ay humihingi ng tulong s inyo sana po ay matugunan nyo ang kaing kahilingan s lalong mdaling panahon maam susan sya po ay nililigawan ng lokal n un subalit gus2 dw nya makaiwas at makalau ky ngpasya sy n lumipta ng tirahan ngunit naabutn sya ng arabo n un at isisnakay sya s skakayan at doon ay pngssamapl at pngssbunutan ahnagng s dinala ns isnag hotel sumama po ang knyang kaibgan n ababe s awa s knya upng pakiusa[an ang arbo pero nagalit p dw ang arabo at p2loy n sinaskatan ang akng ank nc jannifer at ung kaibagan ay pinakawalan n dw po ngaunit ang akng ank ay dp pnkkwalan at imilipat dw nga ibanag hotel maam susan ako ang ank ko po ay mg 2 yrs npo doon s apri 11 subalit d po sya swerte s ngng employer nya ky sya po ay ngpapartime lng d po sya makauwi s kdhlaaan n sya ay wl pamasahe hngng s umabot n po ang gani2ng problema sn po ay matulungan nyo po c jennifer s lalaong mdaling panahon n makauwi d2 s pinas .......sana po ay ma2lungan nyo kmi maam susan marmi marami slamat po at godbless ....
dear mam susan k,gud am,po ako po ay humihingi ng tulong para s aking anak n ns dubai sya po ngaun ay kaslaukauyang ikinulong ng isang arabo n ngkakagusto s knay doon subalit sya po ay pinagmmalupitan palagi po sya sinasaktan at ng wednesday po ng gabi sya po ay pwersahan isinakay ng sasakayan at sya po ay sinasaktan pingasasamapl po at sinasabunutan sumama po s nya ang isng pinay n kasamhan nya sknayng tirahan dhil s awa s ank ko nc jennifer salazar upang pkiusan ang arabo subalit ngagalit pa po nag arabo ikinulong po cl dalawa s isng hotel pero piakawalan po ang ksm ng akng anak nc jennifer ngaunit c jennifer ay nakakulong prn po s hotel at inilipat po ng iabang hotel ako poy labis n ngaala po s anak k nais ko po humingi ng tulong ns lalaong madaling panahon ay mapauwi n po ang aking naak d2 s pinas ....maam susan sna po ay inyong matugunana ang aking kahilingan labis po ako ngalala dhl baka po ang akng anak ay kng mapaano n sya po ay mg 2 yrs ns dubai s april 4 ngaunit hindi po sya swerte s knayang ngng employer sya po ya ngpapartime pertime lng doon d po sya makauwi non dahil wala po sya pamasahe hanagng s umabot n po ang ganitong problema ...mam susan kau n po ang una kong nilapitan dahil alm ko po ns inyo ay madalai kami matutulungan snaa po ay mabasa nyo agd ang akng kahilingan s lalong madaling panahon ...nkauspa ko po ang kanayng kasama at sya dn po ay labis n ngalala dhl bk dw po mapatay ang aking anknc jennifer ng arabo mam susan nakikiusap po ako s inyo ...marami slamat po at godbless ...
Post a Comment